Anak ni Melai nag-cry habang nagdarasal sa paggunita ng Holy Week
TUWANG-TUWA at super touched ang TV host-comedienne na si Melai Cantiveros sa naging realization ng anak na si Stela nitong nagdaang Holy Week.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Melai ang naging conversation nila ng bunsong anak tungkol sa paggunita sa Semana Santa. Mapapanood sa video ang pagluha ni Stela.
Sabi ng Kapamilya TV host sa kanyang caption, “‘Yong akala ko anu ang inayakan nya, sa sobrang tagal nya matapos magpray umabot cya sa ganito kaguilty.
“Thank you Jesus kasi na-understand na ng aming Baby ang meaning ng Holy Week, at sobra akong nahappy bilang Mama. Aylabyu baby Stey,” aniya pa.
Sa nasabing video, mapapanood si Melai na nakikipag-usap kay Stela, “Ba’t ka umiiyak? Dahil?”
Baka Bet Mo: Melai naloka kay Stela: ‘Naiinggit ako sa ibang mama dahil maganda sila!’
“Nag-sacrifice si Jesus para sa amin,” ang tugon naman ni Stela.
“Nag-sacrifice para sa ating pamilya lang?” ang sunod na tanong ni Melai sa anak.
“And para sa mga tao din,” ang sagot ni Stela.
“‘Kala ko sa ‘ting pamilya lang e, swerte naman natin. Na-realize mo sa prayer mo?” ang tanong uli ni Melai sa anak nila ni Jason Francisco.
“Na si Jesus, dahil sa atin, pinatay ni Jesus ang self niya para mabuhay tayo,” tugon ni Stela.
“‘Di niya naman pinatay ang sarili niya. Nag-sacrifice siya, ‘kay? Para i-save tayo sa mga kasalanan natin, okay?” sey pa ni Melai.
“‘Wag ka masyado ma-guilty ha,” dugtong niya.
“Nag-thank you ako kay Jesus,” sagot uli ni Stela.
“Thank you ka kay Jesus always. Thank you, Jesus, kasi nagbigay mo ang life mo sa amin.
“Always ka mag-thank you, dahil pag nagte-thank you ka makikita ni Jesus na worth it yung ginawa niya, okay? And always ka grateful sa kanya ha,” ang paalala pa ni Melai sa anak.
Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa inspiring convo ng mag-ina.
“It is the ‘Akala ko sa ting pamilya lang, Ang swerte mama natin’. aaaaaa this is so precious, kabut-an jud sa imuhang anak ate melai.”
“So cute bebe steyy (crying emoji).”
“She got the essence of Holy Week and the sacrifice that Jesus did dying on the cross.”
“A child’s purity and innocence are things we need to remember.”
“God bless your baby, sooner she will hear the voice of the Lord for her intimate fellowship with Jesus.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.