Melai, Jason super proud sa pagiging viral stars ng 2 anak, gusto pa bang magka-baby uli? | Bandera

Melai, Jason super proud sa pagiging viral stars ng 2 anak, gusto pa bang magka-baby uli?

Ervin Santiago |January 10,2023
facebook
share this

Melai, Jason super proud sa pagiging viral stars ng 2 anak, gusto pa bang magka-baby uli?

Ervin Santiago - January 10, 2023 - 04:13 PM

Melai, Jason super proud sa pagiging viral stars ng 2 anak, gusto pa bang magka-baby uli?

Melai Cantiveros, Jason Francisco, Mela at Stela Francisco

ITINUTURING na bonggang blessing ng celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco ang pagpe-perform ng kanilang anak last Sunday sa “ASAP Natin ‘To.”

Todo-todo ang pasasalamat ng mag-asawa sa lahat ng tagasuporta nina Mela at Stela na siyang dahilan kung bakit palaging nagba-viral ang kanilang mga kwela at paandar na video sa social media.

“Sobrang happy namin sa aming mga blessings ni Lord kasi ‘yung mga sinasayaw nila sa bahay lang, napunta nila sa stage,” pahayag ng TV host-comedienne after ng  performance ng dalawang anak sa “ASAP Natin ‘To”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


Hirit naman ni Jason, “Hindi ako masyado sa social media pero kapag naririnig ko, pinapanood ko naman at nakakatuwa kasi nga nagba-viral.

“Maganda naman ‘yung mga viral, hindi nakakasura. Thanks at humantong kami sa ASAP,” aniya pa.

Natanong naman sina Jason at Melai kung balak pa ba nilang sundan ang bunso nilang anak na si Stela, pero bago pa sila makasagot ay umiling-iling na si Stela.

Kaya naman natatawang chika ni Melai, “Hindi na kami sasagot. Sa no pa lang ni Stela, bupburup!”

Nagpasalamat din ang dalawang anak ng mag-asawa sa lahat ng nanonood sa kanilang mga ginagawang video.

“Thank you for supporting us and guiding us, you know that we love chicken nuggets,” hirit ni Mela.

Sey naman ni Stela, “Thank you very much for watching us.”

Matatandaang unang nag-viral ang mga anak nina Melai at Jason nang mapanood sila ng madlang pipol habang ibinabandera na ang paborito nilang pagkain ay chicken nuggets.

Para kay Melai Cantiveros ‘di dapat mawala si Hesus sa pagdiriwang ng Pasko

B-day message ni Jason kay Melai: Gusto kong mag-thank you sa iyo, napakabuti mong asawa at nanay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Melai tinawag na bobo dahil kay Leni Robredo; nakipagtalakan sa tagasuporta ni Bongbong Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending