PBB bukas na uli sa March 9, sinu-sinong celebrity ang papasok?

PBB house bukas na uli sa March 9, sinu-sinong celebrity ang papasok?

Ervin Santiago - March 02, 2025 - 01:42 PM

PBB house bukas na uli sa March 9, sinu-sinong celebrity ang papasok?

Hulaan kung sinu-sino sa mga Kapamilya at Kapuso stars ang magiging celebrity housemates ni Big Brother

MAGBUBUKAS na uli sa darating na March 9 ang pinakasikat na bahay sa buong universe – ang iconic na “Pinoy Big Brother” house.

Isa na namang makasaysayang collaboration ang mangyayari ngayong 2025 sa muling pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at GMA 7 na siguradong ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga Kapuso at Kapamilya.

Kahapon, pormal nang ipinakilala ang mga magiging hosts ng “PBB Celebrity Collab Edition” sa naganap na grand mediacon na dinaluhan din ng mga executive ng dalawang media giants.

Ito rin ang magsisilbing bonggang selebrasyon para sa 20th anniversary ng “PBB” kasama nga ang main hosts ng longest reality show sa Pilipinas, sa pangunguna nina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee at Melai Cantiveros-Francisco.

Magiging bahagi rin ng latest edition ng “PBB” ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad kasama ang mga Sparkle artists ng GMA na sina Gabbi Garcia at Mavy Legaspi.

Baka Bet Mo: Angel Locsin papasok na raw sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!

Present din sa big mediacon ang GMA executives na sina Officer-in-Charge for Program Management Department Mitzi Garcia; Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Pictures Atty. Annette Gozon-Valdes; at First Vice President of Sparkle GMA Artist Center and Talent Development and Management Joy Marcelo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa part naman ng ABS-CBN, naroon si Star Magic head Lauren Dyogi.

Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasama-sama sa iconic na Bahay ni Kuya ang mga Kapuso at Kapamilya stars para maglaban-laban sa titulong “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” Big Winner.

Sabi ni Direk Lauren about the historical collab, “So napapag-usapan na ano pa ‘yung puwedeng mga possibilities,” he said.

“I think it was a natural, easy decision. The artists joining this collab will make them build better affinity with the audience, so parang hindi mahirap pagdesisyunan ‘yun,” aniya pa.

Sa naganap na mediacon kagabi, ipinasilip sa members ng entertainment press ang sneak peak kung sinu-sino ang mga napiling celebrity housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

Ayon kay Melai, bukod sa mga artista ng GMA at ABS-CBN na napapanood sa telebisyon at pelikula may mga kilalang vloggers at content creator din ang kumasa sa hamon ni Big Brother.

Sa bilis ng video ng sneak peek na ipinasilip sa press ay wala kaming masyadong namukhaan. Ha-hahahaha! Pero sa Facebook post ng GMA Network kahapon, ipinasilip ang mga litrato ng housemates sa pamamagitan ng kanilang facial parts.

“Isa na namang PASABOG mula kay Kuya! May pasilip na sa mga Kapuso at Kapamilya Celebrity Housemates na papasok sa Bahay ni Kuya! Sino-sino kaya sila? Maki-hula na!” ang nakasaad sa caption.

Base sa mga litratong nakita namin, marami ang humula na baka raw kasama sa mga napiling housemates sina Miguel Tanfelix, Barbie Forteza, Barbie Imperial, Bianca Umali, AC Bonifacio at Dominic Roque.

May nagbanggit din sa mga pangalan nina Andrea Torres, Dustin Yu, Ashley Ortega, Michael Sager, Jackie Gonzaga at Jack Roberto.

Mapapanood ang “PBB Celebrity Collab Edition” mula Lunes hanggang Biyernes tuwing 10 p.m. 6:15 p.m. naman every weekend sa GMA Network.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pwede rin itong mapanood online sa Pinoy Big Brother’s YouTube page, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending