Angel papasok na sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!

Angel Locsin papasok na raw sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!

Reggee Bonoan |March 06,2024
facebook
share this

Angel Locsin papasok na raw sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!

Reggee Bonoan - March 06, 2024 - 09:55 AM

Angel Locsin papasok na raw sa Batang Quiapo ni Coco: Ay, fake news po!

Coco Martin at Angel Tocsin

MAY viral video ngayon sa social media na nagbabalitang papasok na raw ang aktres na Angel Locsin sa “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

Umabot na sa 233 shares, 16,100 likes at 464 comments ang nahamig ng naturang post na pawang nagsasabing gusto nga nilang mapasama ang aktres sa action serye ng ABS-CBN.

Ang video ay in-upload ng Facebook user na si Cheenee Antazo Rubio na ang titulo ay, “Angel Locsin in Batang Quiapo.”

Baka Bet Mo: Ano kaya ang magiging role nina Kathryn, Daniel kung papasok ito sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’?

Medyo nagduda kami na baka “fake news” ito pero baka nga totoo rin dahil baka hindi mahindian ni Angel si Coco kapag siya na ang humiling.

Matagal na rin namang hindi aktibo ang aktres sa showbiz kaya baka napapayag na siya ng director-producer at bida ng “Batang Quiapo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)


At para makasiguro ay nagtanong kami sa mga taga-Dreamscape Entertainment na producer ng serye at sinagot kami ng, “Ay hindi po.”

Baka Bet Mo: Sharon papasok sa ‘Ang Probinsyano’; Maymay sinagot ang ‘toxic’ beauty standards

So, fake news ang kumalat na video ni Cheenee Antazo Rubio dahil itinanggi na ito mismo ng Dreamscape Entertainment.

Anyway, marami na kasing gustong mapanood ulit si Angel sa harap ng kamera kaya siguro ginawan siya ng video para kahit paano ay matuwa ang mga supporters niyang matagal nang nami-miss siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero yun nga lang, malinaw na peke ito dahil wala namang plano ang management na kunin si Angel para mapabilang sa serye ni Coco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending