John Estrada naloka sa kilay ni McCoy: Pag tumataas, nakakainis ka pala!

McCoy De Leon at John Estrada
HINDI inaasahan ni McCoy de Leon na papatok sa mga manonood ang pagganap niya bilang kontrabida sa hit action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo.”
In fairness, bukambibig na ngayon ng mga Pinoy ang pangalang David Dimaguiba, ang karakter ni McCoy sa “FPJ’s Batang Quiapo” na kinamumuhian talaga ng madlang pipol.
Ayon kay McCoy, never niyang na-realize na malaki ang magiging impact ng pagkokontrabida niya sa teleserye ni Coco Martin.
Totoo rin daw ang nabalita na matatanggal na siya sa “Batang Quiapo” pero tumagal na nga nang tumagal ang participation niya sa number one series ng Kapamilya Network.
“Actually, nasabihan na ako na mayroon specific month na mag-exit ako sa Batang Quiapo. Sabi ko, sige, bibigay ko talaga ‘yung best ko na lang.
“Hanggang dumaan na ‘yung month na ‘yun, sabi ko, wala, thank you, Lord. Sabi ko, thank you, Lord!” ani Mccoy sa panayam ng TFC talk show na “BRGY.”
Tulad ng iba pang cast members ng serye ni Coco, hindi pa rin daw knows ni McCoy ang pupuntahan ng kuwento ng kanilang teleserye dahil most of the times ay nababasa lang nila ang script sa taping na mismo.
“Actually, question ko rin minsan ‘yan sa taping. Pag nag-taping kami, papasok ako sa tent. Anong mangyayari? Wala, wala pa talaga.
View this post on Instagram
“Kaya, every taping, bigay mo na lang talaga ‘yung best mo. Tama. Kasi, baka next, baka hindi na ko dito,” aniya pa.
“Kaya nagpapasalamat din ako na sabihin na meron pa ako siguro ibubuga, ma-contribute sa show, maitutulong sa show. Hindi ko napapansin na sa kakatrabaho ko, na-appreciate pa pala ng mga tao slash naiinis pala ‘yung mga tao,” sey pani McCoy.
Bukod dito, napakalaki rin daw ng impluwensiya sa kanya ng mga co-stars niya sa “Batang Quiapo” para magampanan ang role niya bilang kontrabida.
“Lahat ng sinasabi nila, tinatandaan ko lang. Si Kuya John (Estrada), siya ‘yung unang nagsabi sa akin na ‘okay pala ‘yung kilay mo, ‘no? ‘Pag tumataas, nakakainis ka pala.’ Iyon, tinandaan ko ‘yun na ah ulitin ko ‘to, ganyan.
“Si Miss Pie (Cherry Pie Picache) naman, ‘Relax ka lang. Huwag mo masyadong i-rehearse. Pagka-take, doon mo ibigay para genuine,’” aniya pa.
Nagpapasalamat din siya sa veteran actress na si Irma Adlawan na gumaganap ding kontrabida bilang si Olga, dahil sa mga advice na ibinahagi nito sa kanya.
“Si Ate Irma naman, ang sabi dapat naniniwala ka sa mga sinasabi mo. Pag nag-line ka, dapat naniniwala ka.”
“Kaya si David nakakainis. Kasi, kahit nagsisinungaling ako, gusto ko naniniwala kung ano sinasabi ko, hanggang napaghahalo-halo ko na. ‘Yun na, eto na ‘yung resulta – si David,” pahayag pa niya.
Todo-pasalamat din si McCoy sa second chance na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN at ng Teleserye King na si Coco Martin, “Wala na ‘yung career dati, ‘di ba? Imagine, nag-start ‘yung Batang Quiapo na inisip ko na siya na last project ko.
“Kaya ‘dun sa role ko na kontrabida wala na akong pakialam kung magalit kayo, na mainis kayo sa ‘kin. Kasi nasanay ako talaga na dapat magustuhan. Hindi ko akalain na blessing na dire-diretso,” pagbabahagi pa ni McCoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.