Ano kaya ang magiging role nina Kathryn, Daniel kung papasok ito sa 'FPJ's Batang Quiapo'? | Bandera

Ano kaya ang magiging role nina Kathryn, Daniel kung papasok ito sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’?

Reggee Bonoan |March 17,2023
facebook
share this

Ano kaya ang magiging role nina Kathryn, Daniel kung papasok ito sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’?

Reggee Bonoan - March 17, 2023 - 08:54 PM

Ano kaya ang magiging role nina Kathryn, Daniel kung papasok ito sa 'FPJ's Batang Quiapo'?
SA balitang papasok sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa “FPJ’s Batang Quiapo” ay curious kami kung ano ang magiging karakter nila dahil for sure markado ang ibibigay sa kanila ng direktor/prodyuser/aktor na si Coco Martin bukod pa na siya rin ang head sa creative side.

Naisip naming bigla na baka siya ang tinutukoy na anak na babae ni Olga (Irma Adlawan) at kapatid ni Greg (RK Bagatsing) na gustong makilala ni Ramon (Christopher de Leon).

Nabanggit kasi ni Don Julio (Tommy Abuel) sa anak niyang si Ramon/Christopher na may anak na babae si /Irma na ikinagulat nito kaya’t gusto niyang makilala.

Base sa umereng episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Huwebes ay nasa Amerika pala ang anak na babae ni Irma/Olga at binilinan ang anak nitong si Greg/RK na sabihan ang kapatid na huwag munang uuwi ng Pilipinas at kung sakali ay itago nila ito sa lugar na hindi makikita ng mag-amang Don Julio/Tommy at Ramon/Christopher.

Since konting panahon lang ang maibibigay ng Kathryn  at Daniel para sa taping ng BQ kung tuloy sila ay malamang na dalawa o isang linggo silang mapapanood sa nasabing serye ni direk Coco.

Samantala, ginawa palang talent ng aktor/direktor sa BQ ang taxi driver na laging nanonood sa kanya para matulungan nito dahil mahina ang kinikita nito sa araw-araw.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Ibinalita ito ni ‘Nay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika sa Cristy Ferminute na napapakinggan sa 92.3 Radyo5 TRUE FM ngayong araw, Biyernes.

Kaya ‘yung mga nagre-reklamo raw na nabawasan o wala ng kinikita ang mga tindera’t tindero sa Quiapo ay malamang binigyan din ng aktor ng pagkakakitaan since karamihan sa mga eksena ay kailangan ng maraming tao.

Nakuwento naman sa amin ng aming source na bongga raw si direk Coco sa pa-food niya per meal sa lahat kasama sa show kasama ang mga talent na umaabot sa 3 klase ng ulam at may desert pa. Pare-pareho raw ang pagkain ng mga artista at ng mga talent, walang special treatment, maliban na lang kung may sariling dalang pagkain ang artista.

Kaya maraming nagpi-prisintang isama sila sa FPJ’s Batang Quiapo dahil sa magandang experience at trato ni direk Coco sa lahat.

Hindi man nakuha ng Batang Quiapo ang number 1 slot sa ratings game ay nasabing serye naman ang mainit na pinag-uusapan ng lahat gabi-gabi hanggang sa huntahan ng mga Marites kinabukasan.

Related Chika:
Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coco Martin puring-puri ni Cristy Fermin, ikinumpara kay Willie Revillame

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending