Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang 'Batang Quiapo' | Bandera

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago |February 13,2023
facebook
share this

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

Ervin Santiago - February 13, 2023 - 07:07 AM

Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang 'Batang Quiapo'

Coco Martin at Lovi Poe

HINDI in-expect ng Kapamilya actress na si Lovi Poe na siya ang kukunin ng ABS-CBN para maging partner ni Coco Martin sa bagong teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.

In fairness, kahit noong unang mapabalita na gagawin ni Coco ang isa na namang TV remake ng classic movie ng Action King na si Fernando Poe, Jr., ay hindi si Lovi ang naisip ng madlang pipol.

Actually, ang akala ng marami ay si Julia Montes ang makakatambal ni Coco sa nasabing proyekto dahil nga sa tagumpay ng tandem nila sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Ayon kay Lovi wala naman daw sa napag-usapan noong lumipat siya sa ABS-CBN na kailangang gumawa siya ng remake ng pelikula ng kanyang ama, “It wasn’t po a conversation na gagawa po ng (FPJ) series or project.

“But isa po talaga sa pinangarap ko… siya (Coco) ‘yung isa sa gusto kong makatrabaho. Sino bang hindi gustong makatrabaho si Coco Martin?” ang pahayag ng aktres sa naganap na presscon ng “Batang Quiapo”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)


Sey pa ni Lovi, isa talaga sa mga favorite niyang pelikula ni FPJ ay ang “Batang Quiapo” kung saan nakasama ng Action King ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

“I had this interview a few years ago and I was asked, what’s your favorite movie of your dad and I remembered answering ‘Batang Quiapo.’

“That was like probably more than 5 years ago. Then, suddenly, ito ‘yung nangyari, so, I’m just so grateful to be part of it.

Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

“There’s nothing more I can ask for. Yes, I am a fangirl of people I’ve been watching through the years. I can’t believe na gagawin ko na ‘yung ‘Batang Quiapo.’

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

“Ang sarap mag-fangirl eh, and I’m very honest about how I feel when I see people I admire,” pahayag pa ng dalaga.

Tungkol naman sa muli niyang pagsabak sa pag-aaksyon, “I’ve never done any action series before. Probably sa ‘Flower of Evil’ medyo konti lang ‘yung ginawa kong mga action scenes.

“But I think this is gonna be the first time that I’m gonna be doing like proper scenes like that. Wala akong natutunan basically sa Dad ko in such a way that, you know, I trained the same way as him.

Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’

“Hilig ko kasi mag-boxing, ‘yung sports na gusto ko, nagpa-firing range din ako. Hindi siya itinuro but basically it’s something that I enjoyed doing.

“Gusto ko talaga action series kasi ‘yun na lang ‘di ko pa nati-tick off sa box and now I’m finally happy to finally do this with Coco and everybody here,” chika pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong Lunes na, February 13, mapapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa iba’t ibang platforms ng Kapamilya Network.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending