Coco Martin nailang sa 'rape scene' nila ni Miles Ocampo sa 'Batang Quiapo': 'Baby-baby ko kasi talaga siya' | Bandera

Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

Reggee Bonoan |February 09,2023
facebook
share this

Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

Reggee Bonoan - February 09, 2023 - 09:41 AM

Coco Martin nailang sa 'rape scene' nila ni Miles Ocampo sa 'Batang Quiapo': 'Baby-baby ko kasi talaga siya'

Coco Martin at Miles Ocampo

PURING-PURI ni Coco Martin si Miles Ocampo sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil napakahusay daw talagang aktres ng dalaga.

Usap-usapan ng mga nakapanood sa pilot week ng bagong serye ng ABS-CBN ang rape scene nina Coco at Miles sa ginanap na special screening kamakailan.

Inamin ni Coco na nailang siya habang ginagawa ang maselang eksena dahil nga bata pa lang ay nakikita at nakakasama niya si Miles.

Sa grand mediacon naman ng bagong series ni Coco na mapapanood na sa Pebrero 13 ay ikinuwento ng aktor at direktor ang tungkol kay Miles.

“Honestly, noong una, siyempre nga, baby ko kasi ‘to, eh, si Miles talagang sa mga pelikula, isa ‘yan sa mga beybi-beybihan ko na kahit hindi kami nagkikita talaga, pag nagkikita kami tapos ‘yung nanay pa niya, kaklase ko pa.

“Nao-awkward ako honestly, feeling mo, ala-alaga mo, tapos rereypin mo na ngayon sa eksena. Parang ang awkward nun’g eksena,” kuwento ni Coco.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)


Siyempre bago kinunan ang rape scene ay kinausap ni Coco nang masinsinan ang aktres.

“Actually, tinanong ko siya, sabi ko, ‘Miles, ano mas gusto mo, ‘yung mga ganitong trabaho or ganitong eksena or ‘yung nagpapatawa ka kagaya dati?’ Sabi niya, ‘kuya, gusto ko na ‘yung ganito.’

“Yung maturity. Nu’ng nakita ko sa kanyang ganu’n, siyempre inalam ko muna kasi nangingilag pa rin ako dahil siyempre, lalaki pa rin ako, eto babae, para alam ko lang ang limitasyon. Kasi ayoko ‘yung makaka-offend ka, eh or lalagpas ka du’n sa limitation.

“Kahit ‘yung mga sabunot ko pa lang, game na game siya. ‘Yung sobrang open siya, sinasalo niya kung ano ‘yung ibinibigay ko,” kuwento ni Coco.

May eksenang nahubaran pa si Miles kaya tinanong kaagad ni Coco kung okay lang at sagot daw nito, “Kuya, okay lang.”

“Napakataas ng pagtingin niya sa trabaho niya. Kasi ‘yun ang tinitingnan niya, eh. Hindi ‘yung parang ‘raket lang ‘to, acting-acting lang ako.’ Siya, nun’g tinanggap niya ‘yung project, alam niya na ‘open ako kung ano ang ipapagawa sa akin.’ Saka naghahanap na siya ng ano, eh, maturity du’n sa trabaho niya,” paliwanag pa ni Coco.

Sobra naman ang pasasalamat ni Miles kay Coco, “Nandu’n na tayo sa stage ng life natin na you just wanna grow and explore. So, maraming salamat po.”

Ang iba pang cast members ng “FPJs’ Batang Quiapo” ay sina, Lovi Poe, John Estrada, Christopher de Leon, Charo Santos-Concio, Pen Medina, Cherry Pie Picache, Benzon Dalina, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Jojit Lorenzo, Ping Medina, Mercedes Cabral, Alan Paule, Lou Veloso, Susan Africa, Pen Medina, Lito Lapid, Irma Adlawan, at Christopher de Leon.

Ito’y mula sa direksyon ni Coco kasama si Malu Sevilla na nakasama rin niya sa “Ang Probinsyano.”

Mapapanood ang “FPJ’s Batang Quiapo” gabi-gabi, 8 p.m. sa lahat ng Kapamilya Network platforms.

Miles, Michelle gaganap na magdyowa sa love story ng 2 flight attendant-vlogger

Miles Ocampo nagparetoke raw ng ilong, fans nag-react: Pumayat lang po talaga sya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending