Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng 'Batang Quiapo' nina FPJ at Maricel Bandera

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Reggee Bonoan |December 06,2022
share this

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

Reggee Bonoan - December 06, 2022 - 09:44 AM
Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng 'Batang Quiapo' nina FPJ at Maricel

Maricel Soriano, Fernando Poe, Jr., Lovi Poe at Coco Martin

SA nakaraang mediacon ng “Labyu with an Accent” ay natanong namin si Coco Martin kung nakapagpahinga na ba siya dahil hindi pa man natatapos ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay binubuo na niya ang pelikula nila ni Jodi Sta. Maria na entry ngayong Metro Manila Film Festival 2022.

Inamin niyang hindi pa siya nakakapag-rest dahil nga sunud-sunud ang mga ginawa niya dahil nu’ng nagpa-thanksgiving sila sa Amerika para sa mga sumuporta ng “Ang Probinsyano” sa loob ng pitong taon ay sumegue siya sa shooting nila ni Jodi.

At heto ngayong nakabalik na sila ng Pilipinas ay kaliwa’t kanan ang promo nila pero naisingit pa rin ang storycon para sa bago niyang TV series for 2023, ang “FPJ’s Batang Quiapo” handog ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at CCM Film Production.

Kung sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nakasama ni Coco ang asawa ni Fernando Poe, Jr., ang namayapang si Ms. Susan Roces, dito sa “Batang Quiapo” ay ang anak naman ni Da King ang kasama ng aktor, si Lovi Poe.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Sakto naman na gusto talagang mag-aksyon ni Lovi kaya siguradong mapapalaban din siya sa mga action scenes.

Star-studded ang bagong serye nina Coco at Lovi dahil kasama rin dito sina Ms. Charo Santos Concio, Mark Lapid, Ronwaldo Martin, Benson Dalina, Ping Medina, Mercedes Cabral, Allan Paule, Susan Africa, Tommy Abuel, Pen Medina, Cherry Pie Picache, John Estrada, Christopher de Leon, at Senator Lito Lapid. Ito’y mula sa direksyon nina Ronwaldo Nacancieno at Malu Sevilla.

Narito ang mga nabasa naming komento mula sa netizens tungkol sa remake ng “Batang Quiapo.”

Galing kay @Ariel Montero Catindig, “Again only from the network that gives you the BEST shows KAPAMILYA ABS-CBN.”

Nalula naman si @Glenn Dela Vega Boncales sa cast, “Grabe line-up ng dreamscape next year.”

Sabi ni @Jocelyn Capua, “Wow may aabangan n naman tong asawa ko sana magtagal ulit i love it.” Kaya siguro ganito ang komento ni Jocelyn ay dahil nasa bahay lang ang asawa niya at hindi na ginagabi ng uwi galing opisina.

Baka raw abutin naman ng 10 years ang “FPJ Batang Quiapo” sabi ni @Jhaa Nheese, “Ang huling sampung taon.”

Isa sa nag-aabang sa bagong Coco at Lovi tandem ay si @Ruth Umayan, “In honour of FPJ and his wife, Ms Susan Roces…….. Lovi Poe and Coco Martin … Cant wait!”

Hinahanap naman ni @Tintin Flush, “Wow naman …superb ang cast sana makasama parin sina Angel Aquino at Shaina Magdayao.”

Inakala ni @Emon Bayona Reñola, “May post Ang GMA Page. Lumipat na naman daw si John Estrada sa kabila. So di Pala natuloy dahil Dito na mas pinili Po pa Rin ni John mag stay sa ABSCBN.”

Manghang-mangha naman si @Eriberto Arellano Jr., “Grabe nmn ang mga cast na nilagay n’yo sa TV series na ito..  Bsta ABS-CBN at Dreamscape Entertainment gumawa siguradong panalo. Congrats in advance.”

Ayon kay @Chloe Partosa, “Dream come true to Ms Lovi…maka work c coco at makagwa ng isang remake movie ng dad nya..and here it is…so excited dami ulit bigatin artists!”

Seyosong sabi ni @Jeena S Gonzales, “Siguradong taon na naman ang bibilangin ng FPJ BATANG QUIAPO ni Coco Martin magandang pasabog para sa 2023!”

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang “Batang Quiapo” ay pinagbidahan nina FPJ at Maricel Soriano.

Lovi Poe biglang na-conscious kay Piolo, bakit kaya?

Sharon nag-sorry sa mga fans na nagpupunta sa taping ng ‘Probinsyano’; may pakiusap kay Coco

Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending