Sharon nag-sorry sa mga fans na nagpupunta sa taping ng 'Probinsyano'; may pakiusap kay Coco | Bandera

Sharon nag-sorry sa mga fans na nagpupunta sa taping ng ‘Probinsyano’; may pakiusap kay Coco

Reggee Bonoan |February 20,2022
facebook
share this

Sharon nag-sorry sa mga fans na nagpupunta sa taping ng ‘Probinsyano’; may pakiusap kay Coco

Reggee Bonoan - February 20, 2022 - 04:21 PM

Coco Martin at Sharon Cuneta

WALANG taping ngayon si Sharon Cuneta para sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya nakagawa siya ng product endorsement at kinunan ang pictorial sa studio ni Jun de Leon base sa Instagram video post nitong Sabado.

Tumataas ang viewership ng aksyon serye ni Coco Martin gabi-gabi kaya pinasalamatan ni Mega ang lahat ng sumusubaybay dito at inaming super enjoy siya sa lock-in taping nila sa Norte.

“Thank you so much for watching FPJ’s Ang Probinsyano every week night.  We are so happy that you are loving our show so much (and) I’m so in love with FPJ’s Ang Probinsyano, I miss Ilocos, I miss being with my cast members, my fellow actors and my staff and crew and directors everybody there,” pahayag ng aktres.

Humingi rin siya ng dispensa sa mga supporters na nagpupunta sa location na hindi niya malapitan dahil nasa bubble taping sila at mahigpit na ipinagbabawal ang pag-alis at pagpasok doon at halos araw-araw ay ina-antigen o PCR test sila para na rin sa safety ng lahat.

At ngayong wala silang taping ay kinailangan ulit niyang mag-diet dahil kahit na payat na siya na kita naman sa mga latest post niyang mga larawan na naka-jeans at shirt pero pagdating sa harap ng camera ay nadagdagan pa rin.

Nabanggit din ni Sharon na may repeat ang “Iconic” concert nila ni Regine Velasquez na magaganap sa isang 5-star hotel dito sa Pilipinas sa June bago sila lumipad patungong Amerika para sa concert tour naman nila sa July bukod pa ito sa kanilang Canada tour.

“But we have to come home first after (US) and in the middle of this I’m praying that Probinsyano does not end kasi I want to work in FPJ’s Ang Probinsyano forever. Sana pagbalik from the concert tour may taping pa rin,” saad ng Megastar.

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)


Sabay pakiusap nito kay Coco, “Coco, sige na puwede namang maging lolo si Cardo (Dalisay) kahit ‘yung mga apo na lang natin ang mga star nasa background na lang tayo okay lang.

“Ikaw na si lolo Delfin at ako na si tita Susan (Roces) ha, ha, ha magkapatid. Pero ang ganda-ganda po ng istoryang parating.

“Kung ano po ang ginanda ng istorya mas gaganda pa, grabeng mag-isip itong si Coco ng storyline, so sana po huwag kayong magsawang panoorin ang FPJ’s ang Probinsyano sa lahat po ng platforms (ABS-CBN),” paanyaya ni Mega.

Sa umeereng kuwento ngayon ng serye ay kinidnap si Sharon as Aurora ng sarili niyang tiyuhin na si Eduardo played by Roi Vinzon dahil gusto nitong masolo ang kayamanan ng kapatid niyang si Tommy Abuel bilang si Don Ignacio.

Samantala, inamin ng aktres na sobrang stress siya dahil sa kampanya ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan na kumakandidatong bise presidente ng Pilipinas kaya work siya nang work para maibsan marahil ang nararamdaman.

Aminadong bihira silang magkitang mag-asawa dahil kapag nakauwi na siya ng bahay galing taping ay wala naman si Kiko at kapag siya naman ang wala ay nasa bahay nila ang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sobrang miss din niya ang mga anak kaya bumabawi siya kapag umuuwi siya maliban kay Frankie Pangilinan na nasa New York City, USA ngayom at nag-aaral.

Sharon inalala ang mga paandar ni FPJ: Pag may umapi sa ‘yo, alam mong to the rescue siya

Si Sharon na kaya ang hinihintay para sa pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’?

Angel Aquino nag-ala fan girl nang makita si Sharon: I am forever in love with you!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending