Kiko Pangilinan itinangging sasapi sa senatorial slate ni PBBM

Kiko Pangilinan itinangging sasapi sa senatorial slate ni Bongbong Marcos

Therese Arceo - March 27, 2025 - 10:15 PM

Kiko Pangilinan itinangging sasapi sa senatorial slate ni Bongbong Marcos

PINABULAANAN ng senatorial candidate na si Atty. Kiko Pangilinan ang mga kumakalat na balita kung saan sasama raw siya sa slate ni Pangulong Bongbong Marcos na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas” para sa 2025 midterm elections.

Lumabas ang mga ganitong chika matapos kumalas sa alyansa ng reelectionist na si Sen. Imee Marcos.

Sa pamamagitan ng isang pahayag nitong Huwebes, March 27, sinabi ni Kiko na walang naganap na pag-uusap sa pagitan ng kanyang kampo at ng alyansa ni PBBM.

“There have been no discussions between my camp and Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

Baka Bet Mo: Paano napasagot ng ‘YES’ ni Kiko Pangilinan nang ligawan si Sharon?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Our campaign remains independent and focused on our core advocacy—fighting high food prices and ensuring food security for every Filipino family,” saad ni Atty. Kiko.

Aniya, para sa mga Pilipino ang laban at hindi sa kung anong kulay ang dapat samahan.

“Sa atin, ang laban ay laban para sa pagkain sa murang presyo. Hindi ito usapin ng partido o kulay,” sey pa ni Kiko.

Ayon rin sa dating senador, handa siyang makipagtulungan sa lahat ng mga partido para sa kapakanan ng Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Handa tayo makipagtulungan sa lahat ng mga partido, Alyansa man o PDP o iba pang mga grupo sa ngalan ng bawat pamilyang Pilipino na hindi na makabili ng sapat na pagkain dahil sa taas ng presyo,” giit ni Kiko.

Bukod sa dating senador, may mga kumakalat ring chika na maging si Bam Aquino ay papanig rin sa alyansa bagay na walang katotohanan.

Itinanggi rin ng campaign manager ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas at Navotas Rep. Toby Tiangco ang mga kumakalat na chikang makikipagsanib pwersa sina Kiko at Bam sa kanilang partido.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending