Eid’l Fitr ipagdiriwang sa March 31, ilang lugar #WalangPasok

Eid’l Fitr sa Pinas ipagdiriwang ngayong March 31, ilang lugar #WalangPasok

Pauline del Rosario - March 31, 2025 - 10:20 AM

Eid’l Fitr sa Pinas ipagdiriwang ngayong March 31, ilang lugar #WalangPasok

INQUIRER file photo

OPISYAL na ipagdiriwang ngayong Lunes, March 31, ang Eid’l Fitr bilang pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Kinumpirma ito ni Bangsamoro Grand Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani matapos makita ang crescent moon sa isinagawang moon-sighting ng mga itinalagang grupo ng Bangsamoro Darul-Ifta’ sa iba’t-ibang lugar sa Bangsamoro Region.

“By the authority vested in me, as the Bangsamoro Mufti, I, Abdulrauf Guialani, hereby announce that the crescent moon was sighted today. Therefore, Eid’l Fitr and first day of Shawwal will be tomorrow, Monday, March 31, 2025, In Shaa Allah,” anunsyo ni Sheikh Guialani kagabi, March 30.

Bilang bahagi ng selebrasyon, magkakaroon ng congregational prayers sa mga mosque at prayer grounds sa Bangsamoro Autonomous Region.

Baka Bet Mo: Good news! PBBM nagdeklara ng 5 ‘holidays’ para sa Abril

At dahil sa pagdiriwang, idineklara ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na regular non-working holiday ang March 31, 2025.

Samantala, sa Sultan Kudarat, ito ay isang special non-working holiday, kung saan suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.

Nagdeklara rin ang University of Santo Tomas – General Santos City campus ng suspensyon ng trabaho at klase sa parehong araw bilang bahagi ng paggunita sa selebrasyon.

Ang Eid’l Fitr o ang Pista ng Pagwawakas ng Pag-aayuno ay isang mahalagang kapistahan sa Islam na nagtatapos sa buwan ng Ramadan.

Ang petsa nito ay natutukoy sa pamamagitan ng tradisyunal na moon-sighting ceremony na isinasagawa sa loob ng 29 days matapos magsimula ang Ramadan.

Kapag nakita ang bagong buwan, idinideklara ang Eid kinabukasan.

Kung hindi naman makita, nagpapatuloy ang pag-aayuno para makumpleto ang 30 days.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat opisyal na ipagdidiwang ang Eid’l Fitr ngayong araw, una nang idineklara ng Malacañang na ang April 1 ay isang regular holiday para sa Eid’l Fitr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending