April 21 idineklarang ‘regular holiday’ bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr
IDINEKLARA ni Pangulong Bongbong Marcos bilang regular holiday ang darating na Biyernes, April 21.
Ito ay bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan ng mga kapatid nating Muslim.
Sa isang Facebook post, ibinandera ng Official Gazette of the Philippines ang pinirmahang Proclamation No. 201 ng pangulo na kung saan ay ginawang holiday o walang pasok sa buong bansa ang nasabing petsa.
“Declaring Friday, 21 April 2023, a regular holiday throughout the country in observance of Eid’l Fitr (Feats of Ramadan),” saad sa caption.
Base sa proklamasyon, ang National Commission of Muslim Filipinos ang siyang nagrekomenda na gawing regular holiday ang April 21.
“In order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of the Eid’l Fitr, it is necessary to declare Friday, 21 April 2023, as a regular holiday throughout the country,” saad sa Proclamation No. 201.
Baka Bet Mo: Knows n’yo na ba kung paano maiiwasan ang ‘heatstroke’ lalo na ngayong tag-init?
Matatandaang noong March 23 nang magsimula ang Ramadan o ang holy month ng “fasting” ng mga kababayan nating Muslim.
Sa loob ng 30 na araw ay hindi sila kakain o iinom ng tubig mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw.
Ilalaan nila ang mga oras na ‘yan upang lalong magdasal, magnilay-nilay at pag-aralan ang Quran.
Ito ay ang kanilang taunang paggugunita sa unang rebelasyon sa propetang si Muhammad, ang nagtatag ng Islam.
Bukod diyan, isa rin ito sa mga pundasyon ng nasabing relihiyon na nakasulat sa kanilang banal na aklat, ang “Quran.”
Ang pagsisimula ng Ramadan ay inanunsyo matapos magsagawa ng moonsighting ang Bangsamoro Darul Ifta.
Read more:
Tag-init na panahon nagsimula na, inaasahang tatagal hanggang May –PAGASA
Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.