Piolo Pascual 13 years nang single, buking na niligawan si Toni Gonzaga
HINDI na raw alam ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang ibig sabihin ng salitang “lovelife” dahil sa tagal ng panahon ng kanyang pagiging single.
Knows n’yo ba na 13 years nang walang dyowa si Papa P?! Ibig sabihin mahigit isang dekada na siyang walang ka-loving-loving dahil sa choice niya na manatiling single.
Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Papa P na napapanood sa kanyang YouTube online show na “Toni Talks”, sinabi ni Piolo na totoong hindi siya naghahanap ngayon ng karelasyon.
“Ang tagal na, eh. ‘Di ko na alam ‘yung lovelife, eh,” ang natatawang sey ng Kapamilya actor kay Toni na naging leading man din niya noon sa mga pelikula.
Baka Bet Mo: Barbie Forteza, Jak Roberto biktima ng sumpa ng ‘7-year itch’, David damay?
Actually, may mga nanunukso na nga raw sa kanya na mahihirapan na siyang magkadyowa dahil napakatagal na niyang single.
“Sinabi sa akin ni Pastor Julius ‘yun, ‘the more you stay single, the more you’re gonna enjoy it, the more you’re not gonna look for it,” pahayag ni Papa P.
View this post on Instagram
Na-shock si Toni nang malamang 13 years nang walang girlfriend si Piolo pero depensa ng aktor, “Lovelife ko talaga ‘yung trabaho ko, eh.”
Sunod na tanong ni Toni, “So, ayaw mo na ng full-on commitment?” Na sinagot ni Piolo ng “Not for now.”
Natawa naman si Toni sa naging tugon ng aktor, “PJ, not for now, 21 years old ka ba?”
“Busy pa ako sa career ko, eh,” ang super laugh ding hirit ni Papa P.
Biro sa kanya ni Toni, yun din daw ang isinasagot ng mga young actors ngayon kapag natatanong about lovelife and relationship.
Esplika naman ni Piolo sa aktres at host, “Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work.”
“I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because…eh, nasanay na, eh,” dugtong na paliwanag ni Piolo.
Pero ano nga ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang girl? “Christian muna. Family-oriented, siyempre, dapat ‘yung mabait. Hindi full of herself. Hindi ‘yung ‘me, myself, and I.'”
Sundot na tanong ni Toni, ano naman ang type niya sa isang babae pagdating sa pisikal na aspeto. Sey ni PJ, ‘yung mga katulad daw ni Toni. Tawanan ang dalawa sa bahaging yun ng panayam.
Nabuking din sa naturang vlog ng aktres na niligawan siya ni Piolo na nagsabing, “Hindi mo ako sinagot.”
Natatawa namang sey ni Toni, “Ewan ko sa ‘yo, PJ! Para kang tanga. Nu’ng time naman na ‘yun, parang tanga naman ‘tong si PJ!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.