Piolo Pascual ‘nagpaparamdam’ daw kay Sue Ramirez, nanliligaw rin ba?
MUKHANG nabighani ni Sue Ramirez ang nag-iisang Piolo Pascual dahil nagpaparamdam daw ito sa kanya.
Base ito sa kuwento ng content creator-talent manager na si Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa YouTube.
“Parang nagpaparamdam daw. Ewan ko kung totoo, tanungin na rin natin. Totoo ba nagpaparamdam na makapanligaw kay Sue Ramirez ang isang aktor?” patanong ni Ogie.
Hirit naman ni mama Loi, “Ay may iba pang aktor? Da who?”
“Sino Tito Ogie?” tanong din ni Dyosa Pockoh.
Baka Bet Mo: Dom nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor: ‘Nagpapadala pa ng food!’
“Basta iba-blind item ko na lang ang initials ay double P,” biting sabi ni Ogie.
“Ay double P?” tanong ni Mama Loi.
Biro naman ni Dyosa Pockoh, “Isa lang ang naisip ko kung double P, Paolo Pontis.”
Hinampas ni Ogie ang Batanguenang vlogger at natawa naman din si Mama Loi.
Humirit din ng isa pang pangalan si Dyosa Pockoh na Paulo Pavelino kaya muli siyang hinampas ni Ogie.
“Double P!” diin ni Ogie.
“Is it Papa P?” tanong ni Mama Loi.
“”Yun ang nakarating sa atin,” kaswal na sagot ni Ogie.
“Ay, talaga! Ooh,” gulat ding sabi ni Mama Loi.
Dagdag pa, “E, paano na si Ms. Shaina (Magdayao)?”
“Magkaibigan lang sila ni Shaina,” sambit ni Ogie.
“Ah okay, hmmm,” sey ni Mama Loi.
“Nakakaloka, di ba? E, hintayin natin baka naman mali ‘yung impormasyon namin, e, pasensya na pwede naman nilang itanggi,” saad ni Ogie.
“Si Inday Sue kasi (ang ganda),” sambit ni Mama Loi.
Biglang tanong ni Dyosa Pockoh, “Tito Ogie wala na bang pag-asang magkabalikan sina Dominic at Bea (Alonzo)?”
“Baka friends lang sila (talaga) pero ‘yung pagiging friends nina Dominic at Bea ay sa kanila na lang at hindi na nila ina-announce pa,” saad ni Ogie.
Anyway, in case nga na may plano si Piolo kay Sue na manligaw ay may napansin kami sa aktor, mahilig pala siya sa tisay at almond eyes tulad nina KC Concepcion, Shaina at ngayon ay si Sue.
Bukas ang BANDERA sa panig ni Papa P o ng kampo niya kung totoong nagpaparamdam siya kay Inday Sue.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.