Dominic nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor

Dom nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor: ‘Nagpapadala pa ng food!’

Reggee Bonoan - November 11, 2024 - 08:59 AM

Dom nanliligaw kay Sue, bet na bet ng nanay ng aktor: 'Nagpapadala pa ng food!'

Ogie Diaz; Dominic Roque, Sue Ramirez

“BASE sa source ko ay nanliligaw daw itong si Dominic (Roque) kay Sue Ramirez,” ito ang bungad ni Ogie Diaz sa online show nilang “Showbiz Update” ni Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh sa YouTube.

Magugunitang spotted sina Dominic at Sue sa isang bar sa Siargao na sweet na sweet sa isa’t-isa at may video pang kumalat na naghahalikan sila.

Kaya maraming netizens ang nagulat dahil dyowa ni Javi Benitez (Mayor ng Victorias City, Negros Occidental) ang aktres.

At dahil na-drag ang pangalan ng batang mayor ng Victorias City ay naglabas na ito ng official statement na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue at nagpasalamat siya sa magagandang memories nila ng dalaga at hangad din nito ang kaligayahan ng ex-girlfriend.

Sa pagpapatuloy ng kwento ni Ogie, “Ang balita ko pa ay nagpapadala pa raw ng food itong mommy ni Dominique Roque kay Sue Ramirez.”

Baka Bet Mo: Sue inusisa matapos ang viral kiss kay Dominic, DomSue layag!

“Ay, nakikiligaw ‘yung mother?” tanong ni Mama Loi.

“Oo, pero ito’y nanliligaw pa lamang daw siyempre tinitimpla pa lang ni Sue kung siya na ba pagkatapos nila ni Javi Benitez,” chika pa ng showbiz insider.

 Nang isulat namin ito noon sa pamamagitan ng blind item ay nabanggit namin hindi maganda ang paghihiwalay ng dalawa dahil nga hindi raw boto ang magulang ng guy dahil may iba silang gusto para sa anak.

Klinaro naman ito ng taong malapit sa dalawa na pinangalanan na namin na hindi raw nakikialam ang magulang ni Mayor Javi dahil wala na silang panahon dito.

At nagkatotoo ang nasulat namin dahil kwento ni Ogie, “Nakakaloka nga dahil kapag may nagkukwento raw kay Sue ng tungkol kay Javi Benitez ay parang naiirita raw si Sue! Parang ayaw ni Sue na naririnig ang pangalan ni Javi Benitez. Ibig sabihin hindi sila nagkatapusan ng maganda, maayos?  Hindi sila nag-break up ng friends pa rin?” 

Sapantaha namin ay hurting pa rin si Sue kaya ayaw na niyang marinig ang pangalan ng ex-boyfriend at gusto na nitong kalimutan. 

Samantala, may nagsabi naman na hindi totoong naghahalikan sina Dom at Sue kundi nagpaalam lang daw ang aktres sa binata kaya nagbeso na ito, pero iba ang nakunang angulo ng video.

May disclaimer din si Ogie na kung itatanggi ito nina Sue at Dom ay okay lang dahil baka pagdating ng araw ay lalabas din ang totoo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Sue at Dom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending