Jude Bacalso hinainan ng warrant of arrest sa kasong grave slander by deed
INILABAS na ng warrant of arrest ang kilalang personalidad sa Cebu na si Jude Bacalso para sa kasong grave slander by deed nitong Martes, January 7.
Matatandaang noong July 2024, umingay ang pangalan ng personalidad matapos itong mapabalita dahil sa kanyang pagpapatayo sa isang waiter ng halos dalawang oras dahil sa hindi nito sinasadyang pagtawag ng “sir” sa kanya.
Dahil sa kanyang naging trato sa waiter ay agad na nag-viral sa social media si Jude kaya marami rin sa mga news outlet ang nag-pick up ng istorya at agad na pinag-usapan.
Ayon sa waiter, dahil sa kanyang takot na mawalan ng trabaho at maireklamo ay sinunod niya ito at tiniis ang pagtayo habang may pinagbabataan siya na maaari siyang matanggal dahil sa ginawa.
Baka Bet Mo: Jude Bacalso nanindigang valid ang ‘Sir’ complaint laban sa waiter
View this post on Instagram
Umani nga ito ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol at nagbukas ng diskusyon ang ginawa ni Jude.
Bagamat humingi ng tawad ang personalidad sa mga restaurant staff ay nanindigan ito na valid ang kanyang complaint.
Dahil sa ginawa ni Jude ay nakaranas ang waiter ng psychological distress matapos ang insidente at humingi ng tulong kay Atty. Ron Ivan Gingoyon.
Dahil rin sa pangyayari ay nagdesisyon ang waiter na i-deactivate ang social media account niya. Nagkaroon rin siya ng mga crying episodes at takot na makita sa publiko dahil sa pagkapahiya.
Nagsampa rin ng patung-patong na kaso ang waiter laban kay Jude na Unjust Vexation, Grave Scandal, Grace Coercion, Grave Threats, at Slight Illegal Detention sa Cebu City’s Prosecution Office noong August 2024.
Matapos ang ilang buwan ay natanggap na ng abogado ng waiter ang order tungkol sa warrant of arrest ng kilalang personalidad.
Base sa desisyon ng Municipal Trial Court in Cities Branch 6 ay maaaring makapag-bail si Jude sa halagang P18,000.
Magkakaroon rin ng arraignment at pre-trial para sa kaso sa January 23.
Sa ngaton ay wala pang pahayag si Jude hinggil sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.