Sue Ramirez sinagot na si Dominic Roque nitong nagdaang Pasko?
SINAGOT na kaya ng aktres na si Sue Ramirez ang dating aktor at negosyanteng si Dominic Roque nitong nagdaang holiday season?
Kaya namin ito naitanong ay dahil nu’ng huling makausap namin ang aktres sa naganap na Parade of the Stars ng Metro Manila Film Festival 2024 sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila ay itinanggi niyang may relasyon na sila ng binata.
Tanong namin kay Sue, “Kayo na?”
Matigas ang iling ni Sue sabay sabing, “Hindi pa, dating palang.”
Balik tanong namin, “Pero masaya ka?”
Baka Bet Mo: Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako
“Oo naman, I’m okay, I’m good,” masayang tugon ni Sue.
‘Kung saan ka masaya at okay ka ituloy mo,” hirit pa namin sa dalaga.
“Yeah, thank you,” nakangiting sagot ng aktres.
View this post on Instagram
Matandain si Sue dahil nu’ng tinawag namin ang pangalan niya ay nagulat siya pero napangiti naman.
Hindi niya makakalimutan nang ilang beses namin siyang nakitang nagmo-malling sa Robinson’s Magnolia kasama pa noon ang ex-boyfriend niyang si Joao Constancia, dating miyembro ng BoybandPH na disbanded na ngayon.
Hanggang sa nagkahiwalay sila ni Joao dahil kay Mayor Javi Benitez (hindi pa mayor noon) na nakasama niya sa pelikulang “Kid Alpha One” mula sa direksyon ni Richard Somes.
Ano na nga ba ang nangyari sa “Kid Alpha One” movie nila? Natapos naman nila ang shooting nito pero bakit hindi pa ipinalalabas?
Going back to Sue, wish namin na matagpuan na niya ang kanyang “the one” ngayong 2025. Ang tanong – si Dom na nga kaya ito?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.