Asawa ni Dina Bonnevie pumanaw dahil sa 'abdominal aneurysm'

Asawa ni Dina na si DV Savellano pumanaw dahil sa ‘abdominal aneurysm’

Ervin Santiago - January 08, 2025 - 08:42 AM

Asawa ni Dina na si DV Savellano pumanaw dahil sa 'abdominal aneursym'

Dina Bonnevie at DV Savellano

KINUMPIRMA ng premyadong aktres na si Dina Bonnevie na “abdominal aneurysm” ang ikinamatay ng kanyang asawang si former Ilocos Sur Governor Deogracias Victor “DV” Savellano.

Kahapon, January 7, pumanaw si Savellano, base na rin sa mga social media post ng kanyang mga anak. Siya ay 65 years old.

Ayon sa isang health website, “abdominal aortic aneurysm (AAA) is a swelling in the aorta, the artery that carries blood from the heart to the tummy (abdomen). Most aneurysms do not cause any problems, but they can be serious because there’s a risk they could burst (rupture).”

Sa pakikipag-uusap naman ni Dina sa TV host at talent manager na si Boy Abunda, sinabi nitong sumakabilang-buhay na nga ang kanyang asawa.

Baka Bet Mo: Dina Bonnevie nagluluksa sa pagpanaw ng asawang si DV Savellano

Ayon kay Tito Boy, nagkausap sila ni Dina sa telepono ilang minuto bago nag-umpisa ang live telecast ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon sa GMA 7.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldyn Bonnevie-Savellano (@dinabonnevie)


Pahayag ng King of Talk, “Bago po nagsimula ang ating palabas, nakausap ho natin si Miss Dina Bonnevie at tayo ay nakiramay.

“On behalf of the men and women of Fast Talk, kami ay taus-pusong nakikiramay sa pamilya ni DV at Dina.

“We will be praying for her, we will be praying for your well-being,” tuluy-tuloy na pahayag ng premyadong TV host.

Dugtong pa niya, “Sabi nga po ni Dina, si DV po succumbed to abdominal aneursym.

“Dina, you have our love and we will continue praying.”

Nauna rito nag-post din sa Facebook ang bunsong anak ni Savellano na si Marie Savellano Ocampo, na manugang ng dating aktres na si Princess Revilla.

Kalakip ang ilang litrato ng mag-ama na kuha sa kasal ni Marie ang kanyang mensahe ng pamamaalam, “Keep smiling up there, Papa. You will always be in my heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I miss you so much and love you endlessly. Let’s dance again someday in heaven,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending