Dina Bonnevie nagluluksa sa pagpanaw ng asawang si DV Savellano
PUMANAW na ang asawa ng batikang aktres na si Dina Bonnevie na si Agriculture Undersecretary Deogracias Victor “DV” Barbers Savellano.
Namaalam si Savellano kaninang tanghali base sa post ng mga anak niyang sina Patch at Marie Savellano.
Ibinahagi ni Marie Savellano sa kanyang Instagram post ang larawan nang ikasal siya kasama ang amang si Ginoong Victor na ang caption ay, “I love you so much Papa.”
Baka Bet Mo: Dina kinausap si Lord tungkol sa lovelife: Kung ibibigay Mo, now na!
“Di monto kunaem nga malipatan ka inggat tumpal tanem. I love you so much, Papa (Ilocano song meaning, ‘huwag mong sabihin na makakalimutan kita hanggang kamatayan’),” ang post ng isa pang anak na si Patch Singson sa kanyang IG.
May mga larawan ding magkakasama ang mga anak at apo nina Ginoong Victor at Dina sa previous marriage nila.
Walang nabanggit ang mga kapamilya ni Savellano kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Ikinasal naman sina Dina at Ginoong Victor noong 2012.
Samantala, maraming nagulat sa pagkawala ni Ginoong Victor dahil six days ago lang ay nag-post pa si Dina ng video habang nasa bakasyon silang mag-asawa sa Japan.
“Happy New Year everyone! May your blessings for 2025 be as grand and as beautiful as Mt. Fuji! Cheers!” ang nakasulat sa caption.
Ang daming bumati sa mag-asawa dahil maganda ang panahon at nagpakita ang Mt. Fuji na kadalasan ay foggy.
Pero sa kabilang banda ay marami ang nakidalamhati sa mga naulila ni Gnoong Victor Savellano kasabay ng kanilang panalangin sa ikatatahimik ng kaluluwa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.