Dina napanaginipan si Mother Lily bago pumanaw, may rebelasyon

Dina napanaginipan si Mother Lily bago pumanaw, may rebelasyon

Ervin Santiago - August 08, 2024 - 10:03 PM

Dina napanaginipan si Mother Lily bago pumanaw, may rebelasyon

SHOCKED din ang award-winning actress na si Dina Bonnevie sa pagpanaw ng Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Isa si Dina sa mga original Regal Baby na unang-unang dumalaw sa lamay ni Mother Lily na pumanaw nitong August 4, isang araw pagkatapos ilibing ang asawang si Remy Monteverde.

Ayon kay Ms. D, parang ikalawang ina na rin ang turing niya kay Mother Lily dahil halos sa Regal na siya nagdalaga at talagang inalagaan din siya nang bonggang-bongga ng iconic film producer.

Baka Bet Mo: Mother Lily ‘sinundo’ ng asawang si Father Remy, pangako tinupad

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

At knows n’yo ba na hindi pala Dina Bonnevie ang pangalang gagamitin niya sa pagpasok niya sa showbiz?

“I was like the third ate among her children. In fact, I was supposed to be named Marilyn Monteverde.

“They decided to keep my name as Dina Bonnevie after I won Ms. Magnolia first runner-up. I was almost Marilyn Monteverde,” rebelasyon ni Dina sa ulat ng ABS-CBN.

Naikuwento rin niya ang tungkol sa kanyang panaginip about Mother Lily bago ito pumanaw last Sunday.

“It was a surprise I actually dreamt about her and then I told my husband I dreamt about Mother sabi niya, ‘sinong Mother?’ Sabi niya ‘Si Mother Lily? Patay na.’

“Sabi ko, ‘ano ba yan is that a joke?’ Sabi niya, ‘hindi, ito nasa Facebook.’ Kasi hindi ko alam, I didn’t even know that Father Remy passed away.

“Nalaman ko na lang kasi sabi ko ‘totoo ba yan, baka fake news yan?’ So I searched his name sa Facebook,” kuwento pa ni Dina.

“Gustung-gusto ko pumunta dito at makiramay kaso may pinagdaraanan din ang pamilya ko kaya ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon at makiramay kay Dondon, Roselle (mga anak ni Mother Lily),” pagbabahagi ng veteran actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, kahit na may pinagdaraanan sa kanilang pamilya, nakiramay pa rin si Niño Muhlach sa mga naulilang pamilya ni Mother Lily na naging nanay-nanayan din niya sa showbiz.

Naniniwala siya na kung buhay lamang ang Regal Films matriarch ay siguradong ipararamdam din nito sa kanya ang pagmamahal at pagsuporta.

“Si Mother alam ko isang magulang I’m sure masasaktan din siya para sa akin na tulad ko nakita ko pinagdaanan ng anak ko,” sabi ni Niño.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending