Snooky nag-sorry kay Mother Lily; Alma may madamdaming rebelasyon
WASAK ang puso ng mga veteran actress at original Regal Babies na sina Alma Moreno at Snooky Serna sa pagpanaw ng Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monteverde.
Para na rin daw silang namatayan ng isang nanay sa pagpanaw ng iconic film producer dahil talaga namang naging ikalawang ina na nila si Mother Lily mula noong magsimula sila sa showbiz.
“Malungkot,” ang sabi ni Alma sa pagpanaw ni Mother Lily sa nakaraang pisode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Baka Bet Mo: Mother Lily wish makapagpa-party sa Pasko para sa showbiz press
Sabi naman ni Snooky, “It’s a very sad day.”
View this post on Instagram
Kuwento ni Alma, isa raw siya sa mga unang artistang pumirma ng exclusive contract sa Regal Entertainment, at mismong si Mother Lily daw ang kumausap sa kanya tungkol dito.
“Sabi lang niya sa akin, ‘Gawa ka ng movie sa akin. Huwag kang mag-alala, aalagaan kita, parang anak ko na,’” pagbabalik-tanaw ni Alma.
Sabi pa raw sa kanya ng yumaong movie producer, mas sisikat daw siya kapag naging Regal Baby na siya. Mula noon, nagsunud-sunod nga ang pelikula niya sa film production ni Mother Lily.
“Sobrang pag-aalaga, tapos kapag medyo ninenerbiyos ako, nagbabantay siya sa set. Nanay na nanay. Kasi siyempre ‘baby’ pa ako, magsusuot ka ng medyo sexy, binabantayan ka niya bilang nanay, nakaalalay siya,” sabi pa ni Alma.
“Mararamdaman mo sa kanya ‘yung pagmamahal niya sa artista niya,” chika pa niya.
Sabi pa ng beteranang aktres, super inalagaan daw talaga siya ni Mother Lily, “Gusto kong pasalamatan si Mother sa sobrang alaga niya sa akin, bumaba man o tumaas ‘yung career ko, never ako pinabayaan ni Mother Lily.
Baka Bet Mo: Joey Reyes durog ang puso sa pagpanaw ni Mother Lily: ‘Ikaw ikalawang nanay ko’
“Ang unang tumutulong sa akin si Mother Lily. Hindi mo na kailangan hingian,” dugtong pa niya.
View this post on Instagram
Para naman kay Snooky, “I really feel that she is my second mother talaga.”
Isa sa nga hindi malilimutang pelikula na ginawa ni Snooky sa Regal Films ay ang classic na “Under-age,” kasama sina Dina Bonnevie at Maricel Soriano.
“Looking back, thinking back, nakaka-miss ‘yung mga punchline ni Mother, ‘yung sense of humor niya, ‘yung kabaklaan ni Mother, and ‘yung warmth niya, just the same, she’s really one of a kind,” pahayag ni Snooky.
“She knew what would work,” dagdag pa ng seasoned actress.
Mensahe pa niya kay Mother, “I want to take this (opportunity) to say sorry, Kasi may mga times din ako na medyo problematic, but Mother was always there to understand, to be by my side.”
Pumanaw si Mother Lily sa edad 84 noong August 4, isang araw lamang pagkatapos ilibing ng kanyang asawang si Father Remy na namaalam naman noong July 29.
Dalawa sa halos 300 pelikuka ng Regal Films na nagmarka sa sambayanang Pilipino ay ang mga blockbuster at iconic na “Mano Po” anthology at ang “Shake, Rattle & Roll” franchise.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.