Alma Moreno naiyak dahil sa iniindang ‘multiple sclerosis’

Alma Moreno naiyak dahil sa iniindang ‘multiple sclerosis’, inaming hindi nagsasabi sa mga anak kapag sinusumpong ng sakit

Pauline del Rosario |May 26,2023
facebook
share this

Alma Moreno naiyak dahil sa iniindang ‘multiple sclerosis’, inaming hindi nagsasabi sa mga anak kapag sinusumpong ng sakit

Pauline del Rosario - May 26, 2023 - 04:10 PM

Alma Moreno naiyak dahil sa iniindang ‘multiple sclerosis’, inaming hindi nagsasabi sa mga anak kapag sinusumpong ng sakit

PHOTO: Instagram/@iamalmamoreno

HINDI na napigilang umiyak ng batikang aktres na si Alma Moreno matapos siyang mag-open up tungkol sa kanyang kalusugan.

Na-interview siya ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz at doon ibinunyag ni Alma ang mga sakit na kanyang nararamdaman sa katawan.

Ayon sa batikang aktres, mayroon siyang diabetes at hypertension, ngunit ang pinakamalala ay ‘yung “multiple sclerosis.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, taong 2001 pa nang ma-diagnose ng multiple sclerosis ang aktres.

Ayon sa medical experts, ang nasabing sakit ay isang chronic neurological disease na nakakaapekto sa central nervous system (CNS)—sa utak, spinal cord at optic nerves.

Ang mga may ganitong sakit ay maaaring humantong sa bahagya o kumpletong paralisis at panginginig ng kalamnan.

Ibinunyag pa nga mismo ni Alma na sinusumpong siya ng sakit habang kapanayam ni Ogie at ito ay tinitiis lamang niya.

“‘Yung lagi kong nararamdaman ngayon ay ‘yung Multiple Sclerosis ko. Actually ngayon, in pain ako,” sey niya.

Baka Bet Mo: Osang, Alma sa mga baguhang sexy star: Pag sumikat kayo, ‘wag lalaki ang ulo dahil ‘yan ang ikasisira n’yo

Kwento pa ng aktres, walang lunas ang kanyang sakit at ang tanging ginagawa lamang sa kanya ay umiinom ng pampatulog.

Chika niya, “‘Yung pain kasi walang gamot. Kaya nga ang gamot sakin minsan, papatulugin ka lang.”

“Kanina lang, kausap ko ‘yung doktora ko. Sabi niya, ‘kapag hindi nawala ‘yung pain pa-hospital ka na namin,’ parang ganun,” dagdag pa niya.

Patuloy pa niya, “‘Yun lang naman ‘yung kalaban dito. Meron din naman ako sa sugar ko, pero sa awa ng Diyos hindi pa ako nag-iinsulin. High blood, meron ako pero control lahat.”

Nabanggit pa niya na bawal siyang ma-stress dahil doon sumusumpong ang kanyang sakit, pero hindi naman daw niya maiwasan ito dahil ayaw niya ring nasa bahay lamang.

“Bawal kasi ‘yung sobrang stress. Kaya lang hindi naman pwedeng wala tayong stress sa buhay e. Pag ako lalong nakakulong sa bahay, mas nagkakasakit ako,” saad niya.

Emosyonal ding ibinahagi ni Alma na hindi na niya sinasabi sa kanyang mga anak ang kanyang nararamdaman dahil ayaw niyang maabala pa ang mga ito.

Nakakayanan naman daw niya ang sakit at malakas pa raw siya.

“Kahit mga anak ko, hindi ko sinasabi kasi alam ko naman na mawawala. Mawawala ‘yun, titiisin mo lang talaga,” naiiyak na sinabi ng aktres kay Ogie.

Ani pa niya, “Tsaka kaya ko pa naman e. Ayoko ‘yung idamay mo pa sila. Kaya tingnan mo ako, gusto ko ‘yung masaya lang, gusto ko ‘yung may kakwentuhang masaya.”

“Baka pag dinibdib ko ang lahat ng bagay, baka mamatay na ako. Mahirap, mahirap ‘yun,” sey ni Alma.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Alma Concepcion pinayuhan si Herlene Budol para mas lumakas ang laban sa Bb. Pilipinas 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending