Alma Moreno ayaw nang magpakasal, wala raw swerte sa love; parehong mahal ang showbiz at politics | Bandera

Alma Moreno ayaw nang magpakasal, wala raw swerte sa love; parehong mahal ang showbiz at politics

Ervin Santiago |April 18,2023
facebook
share this

Alma Moreno ayaw nang magpakasal, wala raw swerte sa love; parehong mahal ang showbiz at politics

Ervin Santiago - April 18, 2023 - 07:04 AM

Alma Moreno ayaw nang magpakasal, wala raw swerte sa love; parehong mahal ang showbiz at politics

Alma Moreno at Winwyn Marquez

WALA nang kaplanu-planong magpakasal uli ang veteran actress na si Alma Moreno kahit pa magkaroon siya ng bagong partner in life.

Ayon sa aktres, feeling niya ay wala siyang swerte sa larangan ng pag-ibig dahil lahat nga ng naging relasyon niya ay hindi nag-work.

Sa panayan ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Alma kahapon, April 17, natanong siya kung may plano pa ba siyang magpakasal uli.

“No. Parang wala namang suwerte kuya Boy,” mabilis na tugon ng aktres. Aniya pa, “Sabi nga nila sa akin sa career okay pero pagdating sa love siguro hindi ako suwerte.”

Huling ikinasal si Alma sa isang mayor sa Mindanao at biniyayaan sila ng kung isang anak. Ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay din sila ng landas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alma Moreno (@iamalmamoreno)


Inamin ng beteranang aktres na grabe rin siya kung magmahal dahil bigay-todo rin siya at kung minsan ay talagang wala nang natitira para sa kanyang sarili.

Samantala, natanong din ng King of Talk na si Tito Boy si Alma kung ano para sa kanya ang pagkakaiba ng politika at showbiz dahil nga pareho niyang pinasok ang dalawang mundo.

Baka Bet Mo: Bb. Pilipinas International 1994 Alma Concepcion pabor sa pagsali ng LGBTQ members sa mga beauty pageant

“Ang showbiz kuya Boy kung may pelikula kang ginagawa at pino-promote mo, lahat ng tsismis lumalabas, publicity kasi meron showing ka.

“Ang pulitika, habang nandyan ka walang katapusang intriga. Lalo na naman ngayon, bubuhayin-bubuhayin nila ang isyu at kaya pa nilang gumawa ng tsismis. Ang mga ‘Marites’ nabubuhay lahat. Walang katahimikan,” pagkukumpara pa ni Alma

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alma Moreno (@iamalmamoreno)


Pero ani Ness, pareho niyang gusto ang pag-aartista at public service, “Both Kuya Boy. Hindi ko maiwan ang showbiz. Nagsisilbi ako sa bayan, at the same time paisa-isa nagso-showbiz ka.”

Sa mga hindi pa aware, naging konsehal si Alma sa Parañaque City at naging  head din ng National President of the Philippine Councilors League (PCL).

Nagbo-volunteer din siya ngayon sa iba’t ibang charity programs partikular na ang  kanyang proyektong “Alma Cares.”

“Ngayon bumabalik ako sa showbiz pero babalik din ako sa politika,” ang chika pa ng nanay nina Mark Anthony Fernandez at Winwyn Marquez.

Sino ang babaeng may koneksyon sa nakaraan nina Dina Bonnevie at Alma Moreno?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending