Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money...pakulong ko kaya? | Bandera

Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Ervin Santiago |June 06,2022
facebook
share this

Alma Concepcion ninakawan daw ng dating kasambahay: Pati anak ko nawalan din ng money…pakulong ko kaya?

Ervin Santiago - June 06, 2022 - 08:10 AM

Alma Concepcion

BINIGYAN ng babala ng aktres at dating beauty queen na si Alma Concepcion ang madlang pipol patungkol sa dati nilang kasambahay.

Sa kanyang Facebook account, nagsumbong si Alma sa mga friends and followers niya sa mga ginawang panloloko sa kanila ng dating kasama sa bahay pati na rin sa kapatid niya.

Ayon sa aktres, itinuring na nilang parang tunay na kapamilya ang nasabing female househelp kaya hindi niya maubos-maisip na gagawan pa sila nito ng masama.

“Beware of this person (kalakip ang nga litrato ng kasambahay at ang ilang mensahe nito sa kanila).

“She was our house staff. Madami nawala sa amin. Pls share & be aware. Salamat,” simulang pagbabahagi ni Alma.

Patuloy pa niya, “Around 300k ang napapadala nya sa probinsya sa loob ng 2 taon na hindi pasok sa sahod nya. Yung iba di pa namin alam.

“Umamin sya nu’ng nawalan ng dollars yung brother ko. Syempre Pati Beautederm items nakita ko nakatago sa laundry area nu’ng naglinis ako nung umalis na sya.

“Kaya ayun gumanda sa amin we treated her like family — nakaka gimik, nakaka barkada, nakaka ‘hang out’ pa mga kaibigan dito pero wala pa rin. Pangit ang sinukli,” lahad pa ng aktres.

Pinag-iisipan na rin daw ng kanyang pamilya na ipaaresto at ipakulong ang nasabing kasambahay para maturuan ng leksyon.

“Tiga Romblon sya. Nu’ng umamin sya pinaalis namin at nakita namin yung mga resibo ng palawan na umabot ng 300k sa loob ng mga 2 taon.

“Pakulong ko kaya? Panay dollars ang kinuha sa kapatid ko Albert Carvajal Concepcion na tinrato syang barkada parati pa sya sinasama sa labas labas at nood ng sine.

“Pati anak ko Cobie Puno nawalan din ng money dahil syempre sa bahay relax lang nakapatong lang mga wallets kung saan saan. Kung nasaan ka man, PM mo ako,” pahayag pa ni Alma.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alma Concepcion (@alma.concepcion)


Ipinost din niya ang Facebook page ng babae pero aniya, “After ko chinat nag unavailable on messenger.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Alma, ilang taon nang wala sa poder nila ang babae pero napilitan siyang mag-post sa social media matapos malamang tinatawagan umano nito ang kanyang mga kaibigan at  naghahanap daw ng trabaho.

Alma Concepcion pinayuhan si Herlene Budol para mas lumakas ang laban sa Bb. Pilipinas 2022

Bb. Pilipinas International 1994 Alma Concepcion pabor sa pagsali ng LGBTQ members sa mga beauty pageant

Kasambahay nag-iiyak nang biglang ‘mag-away’ sina Vice at Ion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending