Binyag ng anak nina Erich Gonzales, Mateo Lorenzo nag-viral after 2 years
HALOS dalawang taon na pa lang ibinandera ni Father Frankie Mabanta sa kanyang Instagram account ang larawan ng binyag ng anak nina Mateo Lorenzo at Erich Gonzales-Lorenzo na si Jose Mateo noong June 28, 2023 na hindi binanggit kung saang simbahan.
Kasama sa larawan ay ang proud parents ni Jose na sina Erich at Mateo, plus ang proud grandparents na sina Ginoong Martin Ignacio Lorenzo at Gng. Maria Leah de Leon, pati ang bunsong anak na si Angelo, 14 years old, base sa post ni Father Frankie.
Sa madaling salita ay dalawang taon na ang panganay nina Erich at Mateo ngayong 2025 at nabuntis siya pagkatapos ng honeymoon nila sa ibang bansa.
Ikinasal sila noong Marso 23, 2022.
Baka Bet Mo: Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga
Anyway, lumipas ang halos dalawang taon ay hindi nabigyan ng pansin ang post na ito ni Father Frankie dahil marahil ay abala ang mga ‘Marites’ sa ibang bagay bukod pa sa alam ng lahat na nananahimik na si Erich bilang low-key wife ni Mateo.
At ngayon lang ito napansin ng marites dahil lumitaw at nag-trending ang naganap na kasal nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo dahil sa ama ng dating singer na si Dennis Padilla.
Sa kaka-search siguro ng fans tungkol sa pamilya Lorenzo ay heto at lumitaw nga ang binyag ng anak nina Mateo at Erich.
Very proud pa si Father Frankie sa caption niya sa pinost niyang larawan, ang sey pa niya, “3 Generations…
“Accompanying the family in the Christian faith through the sacraments.
“Today, I baptized Jose Mateo. He is the son of Mateo Lorenzo and Erich Gonzales Lorenzo.
“I baptized Mateo, his father 1992, 31 years ago. He is the second of 12 siblings, all of whom I baptized. The youngest is Angelo, who is now 14 years old.
“Mateo is the son of Martin Lorenzo and Leah de Leon Lorenzo. I officiated Martin and Leah’s wedding in 1989, 34 years ago.
“It’s always a joy to see the family grow in the Christian environment.
“May the Holy Family, Jesus, Mary and Joseph intercede for our needs and be the model of families.”
Sa kasalukuyan ay tinanggal na ni Father Frankie ang post na ito sa kanyang IG account marahil ay nasabihan siya ng pamilya Lorenzo na kilalang very low profile.
Aliw lang kasi si Father Frankie ang nag-ispluk na may anak na sina Mateo at Erich gayung ni isang post ay walang makikita sa social media ng mag-asawa kahit nga nu’ng ikasal sila ay wala rin, maliban sa nasa altar sila dahil inilabas naman ito isa sa kapatid ng husband ng dating aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.