Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga | Bandera

Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga

Ervin Santiago |February 28,2022
facebook
share this

Erich ayaw pa ring magsalita tungkol sa kasal nila ng bilyonaryong dyowa para iwas-intriga

Ervin Santiago - February 28, 2022 - 07:34 AM

Erich Gonzales at Mateo Lorenzo

HINDI nabigyan ng chance ang members ng entertainment media na um-attend sa “Kapamilya Strong 2022” event na makachika si Erich Gonzales tungkol sa kasal nila ni Mateo Lorenzo.

Isa si Erich sa mga loyal Kapamilya artists na muling pumirma ng exclusive contract sa Star Magic last Feb. 23, kasabay ng ilan pang ABS-CBN artists.

Pero hindi nga siya nakasama sa iba pang Kapamilya stars na humarap sa mediacon pagkatapos ng kanilang contract signing kaya hindi na naitanong sa kanya nang personal ang tungkol sa kanyang wedding.

Unang kumalat ang chika na malapit nang ikasal si Erich nang naisapubliko ang kopya ng wedding banns nila nila ni Mateo. Ito ang pormal na pag-aanunsiyo ng wedding date sa respective parish church ng engaged couple.

Kailangang ihayag sa simbahan ng tatlong magkakasunod na linggo ang tungkol sa kanilang upang masigurong walang kokontra sa magaganap na wedding.

View this post on Instagram

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)


Base sa kumalat na wedding bann sa social media na nakapaskil sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa City na kinabibilangan ni Mateo at ng kanyang parents, magaganap ang kasal sa March 23, 2022.

Wala pang inilalabas na official statement sina Erich at Mateo tungkol sa kanilang kasal pero in fairness, marami na ang excited para sa aktres sa haharaping bagong yugto ng kanyang buhay.

Sa mga hindi pa masyadong aware, base sa Instagram bio ni Mateo, graduate siya ng Management Engineering sa Ateneo De Manila University noong 2014. Siya ay mayroon ding MBA sa Wharton School of University of Pennsylvania noong 2021.

Siya ay anak ng negosyanteng si Martin Lorenzo, na nagmamay-ari ng food retail business at manufacturing company ng plastic products sa bansa. 

Unang napabalita na may bilyonaryong manliligaw si Erich noong January, 2018 na ibinuking mismo ng kaibigan niyang si Kris Aquino sa madlang pipol.

Ayon kay Kris, dinalaw daw si Erich ng mayamang suitor nito sakay ng private plane sa set ng ginagawang pelikula ng dalaga noon sa Siargao.

Sa isang panayam, nabanggit ng Kapamilya actress na ang lalaking nanliligaw sa kanya ay kapatid ng boyfriend ni Claudia Barretto na kapatid ni Julia Barretto. Kilalang  ay malapit na kaibigan ni Erich si Julia.

Inilarawan pa ni Erich ang lalaki na isang “persistent and consistent suitor” hanggang sa matukoy na nga ng netizens ang pangalan ni Mateo Lorenzo.

Ang sey ng aktres patungkol kay Mateo, “Alam niyo yung sinasabing too good to be true? Di ba, parang hindi ka maniniwala na ganu’n, pero may mga tao palang nag-e-exist na ganu’n. Too good but it’s true talaga.”

Samantala, pagkatapos niyang pumirma uli ng kontrata sa Star Magic binalikan ni Erich ang biggest lesson na natutunan niya sa reality talent competition na “Star Circle Quest” noong 2005 kung saan siya ang itinanghal na grand questor.

“Isa sa mga natutunan ko sa Star Circle Quest is to never doubt yourself. All it takes is one person to believe in your dreams, and that person is you,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para sa akin, kung anuman ang meron ako ngayon, dahil po yun sa opportunities na ibinigay sa akin. Thankful ako sa magagandang projects at teleseryes na nagawa ko bilang Kapamilya,” diin pa niya.

Erich na-challenge sa lock-in taping, puring-puri sina JC at Carlo: Aura pa lang pampa-good vibes na

Enchong kumasa sa make-up challenge; mukha ni Erich pinagtripan

Hugot ni Erich: Lahat po ng ginagawa natin mayroon po ‘yang balik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending