Gretchen Ho tinawag na ‘bias’, may kwelang bwelta
COOL na cool na sinagot ng TV5 news anchor na si Gretchen Ho ang netizen na nagsabing “biased” siya sa kanyang mga ibinabalita.
Ito ay may kaugnayan sa pagbabalita sa mga pangyayari sa The Hague, Netherlands kung saan dinala ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos maaresto ng International Criminal Court o ICC noong March 11, 2025.
Isa kasi si Gretchen sa mga journalist na nasa The Hague para ihatid ang latest updates sa kaso ni Duterte pati na rin ang mga pangyayari sa lugar gaya ng pagpunta ng mga tagasuporta ng dating pangulo sa labas ng gusali.
Nitong Biyernes, March 21, ibinahagi ng dalaga ang kanyang larawan habang nasa nasa Philippine Embassy sa Netherlands kasama si Ambassador Ed Malaya.
Baka Bet Mo: Gretchen Ho dumalo sa misa sa Rome para kay Pope Francis: Feeling blessed!
View this post on Instagram
“Dropped by the Philippine Embassy in The Netherlands and found out we have a seasoned diplomat and lawyer at the helm,” saad ni Gretchen.
Pagpapatuloy niya, “Right person, right time, right place. Thanks for having me, Ambassador Ed Malaya!”
Makikita naman sa comment section ang pagdagsa ng mga bashers at hindi na kataka-taka kung umulan ng mga salita gaya ng “bias” ang mga komento.
Ngunit aliw naman ang naging sagot ni Gretchen sa mga komento.
“BIAS with an ED” po. Biased. Thanks powh,” sey ng news anchor.
Marami rin naman ang sumuporta kay Gretchen at pinayuhan na ‘wag na lamang pansinin ang mga negative comments.
“hwag niyo na po pansinin mga dsshit na yan, ganyan talaga kapag disperado na. Lahat na lang gagawin issue. BASTA MASASABI KO SA MGA DDS ‘DASURB.'”
“and that’s the best you can do? Correct the spelling?”
“Moving forward guys with ED na huh, at least aminado :)”
“kaloka talaga ang galit ng mga DDS haha.”
Matatandaang bukod kay Gretchen ay nasa Netherlands rin sina Mariz Umali at Zen Hernandez.
Sa katunayan, maging si Mariz ay umani ng mga pambabatikos dahil sa paratang na tinawag raw niyang “matanda” si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, nang isakay siya sa ambulansya at dalhin sa ospital dahil sumama ang pakiramdam.
Giit niya, “mata niya” ang sinabi niya at hindi “matanda”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.