Gretchen Ho ibinandera ang bagong inaabangang ‘teleserye’
IBINAHAGI ng TV5 news anchor na si Gretchen Ho ang kanyang bagong “teleseryeng” inaabangan.
Sa kanyang Instagram account ay mapapanood ang video ng dalaga kasama ang dalawa pang lalaki sa loob ng sasakyan na may pinapanood sa kanyang cellphone.
Makikita sa naturang video na pinapanuod ni Gretchen si President Bongbong Marcos na naghahayag ng kanyang statement hinggil sa pagbabanta sa kanilang buhay ni Vice President Sara Duterte.
Matatandaang laman ngayon ng mga balita ang naging pahayag ni VP Sara na kapag siya ay namatay, nagbilin na siya sa isang lalaki na patayin rin ang presidente, ang asawa nitong si Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.
Baka Bet Mo: Hirit ni Willie kay Gretchen Ho: Gusto mo tayo na lang?!
View this post on Instagram
“Mondays be like…. #TheNewTeleserye #Philippines,” caption ni Gretchen sa kanyang IG post.
Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post.
May ilan na nagustuhan ang post ni Gretchen habang ang iba naman ay tila na-offend sa ginawa nito.
Makikita kasi sa naturang video ang pagkain nila ng isang snack na Piattos.
Tila isa ito sa pasaring ni Gretchen patungkol sa kontrobersyal na si “Mary Grace Piattos” na diumano’y pumirma raw sa mga resibo ng transaksyon ng Office of the Vice President (OVP) sa paggamit ng pondo nito.
Sa ngayon ay inaalam pa oung sino o kung totoong may taong nagngangalan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.