Anthony Jennings maagang naging breadwinner, sandalan ang pamilya
SA kabila ng pagiging absent sa mga ganap ay hindi pa rin nalilimutan ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings na i-promote ang pelikulang “And The Breadwinner Is”.
Naging mailap ang aktor sa madlang pipol at hindi masyadong naging active sa mga promo shows para sa kanilang Metro Manila Film Festival 2024 matapos masangkot sa cheating issue kasama ang ka-love team na si Maris Racal.
Pero sa kabila nito ay gumagawa pa rin ng paraan si Anthony para i-promote ang kanilang pelikula na pinagbibidahan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Sa katunayan, sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang poster ng kanilang pelikula.
Baka Bet Mo: Anthony Jennings party-party na ngayon; Maris Racal ‘namundok’
Bandera IG
Dito ay nabanggit ni Anthony na bata pa lang siya ay isa na siyang breadwinner.
“Tulad ng karamihan, maaga din po ako naging breadwinner kaya ramdam ko ang hirap at saya na bitbit nila araw araw,” sey ng aktor.
Ngunit sa kabila ng hirap ay aminado si Anthony na ang pamilya ang kanyang sandalan.
“May mga araw diyan na mahirap kaya mahalaga sakin ang pamilya at ang mga kaibigan ko na pamilya ko na din kasi sa bawat problema na pinag dadaanan ko sila lang ang nag sisilbing sandalan ko na kahit anong mangyare palagi silang may paraan para mapasaya ako,” sey pa ng aktor.
Kaya naman ang pelikulang ginawa nila Anthony ay talagang malapit sa kanya dahil sinasalaysay nito ang kanyang sariling kuwento.
“Itong pelikulang ‘And The Breadwinner Is’ talagang malapit sa puso ko. Poster palang maluha luha nako eh.
“Ngayong pasko ito po ang aming pinaka malaking handog para sainyo. Sa mga breadwinner at sa bawat miyembro ng pamilyang Pilipino,” sey ni Anthony.
Kasunod nito ang panghihikayat niya na suportahan ang “And The Breadwinner Is”.
“Maligayang pasko sa ating lahat at magkita kita tayo sa mga sinehan ngayong pasko. Maraming salamat po!” bati ni Anthony.
Tila ilap pa rin ang binata lalo na at naka-limit pa rin ang mga maaaring mag-iwan ng komento sa kanyang mga posts.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.