Jam Villanueva may pa-billboard sa EDSA, endorser na
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang ex-girlfriend ni Anthony Jennings na si Jam Villanueva.
Hindi dahil sa may bago itong ilalabas na “resibo” o screenshot bagkus ito ay isa nang ganap na endorser.
Kitang-kita kasi ngayon sa EDSA ang billboard ni Jam kung saan pino-promote nito ang isang dental clinic.
“Our billboard is up! Meet our newest ambassador, Jamela Villanueva,” saad sa Facebook page ng naturang dental clinic.
Baka Bet Mo: Jam Villanueva pinakakasuhan sa Maris Racal-Anthony Jennings scandal
View this post on Instagram
Ngayong araw, kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year ang launching ni Jam bilang brand ambassador at endorser.
Agad naman itong umani ng samu’t saring komento mula sa netizens.
“Simula pa lang to jam,,sana sumali ka sa pbb,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Kaya pala ang ingay. Alam na this!”
“Hala c jam ang ganda bagay sa kanya ganda ngipin nya,” sey namana ng isa.
Hirit pa ng isa, “Ampanget na nga ng name ng business sana bumawi na lang sa endorser jusq fail pa rin.”
Matatandaang umingay ang pangalan ni Jam matapos nitong ibunyag ang panloloko sa kanya ng kanyang ex-dyowang si Anthony Jennings at ka-loveteam nitong si Maris Racal noong December 2024.
Nagsimula naman ang unexpected na tambalan nina Maris at Anthony sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” noong 2024.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.