Jam Villanueva pinakakasuhan sa Maris Racal-Anthony Jennings scandal
IN FAIRNESS, marami pa rin namang kampi kay Maris Racal matapos pasabugin ni Jam Villanueva ang umano’y panloloko sa kanya ng aktres at ni Anthony Jennings.
Naniniwala ang ilang supporters ng Kapamilya actress at singer na biktima lang din siya ng pagtataksil ni Anthony kay Jam at hindi niya deserve ang natatanggap na pambabatikos ng madlang pipol.
Sa official Facebook page ng BANDERA, maraming nagkomento sa inilabas naming artikulo tungkol sa nakamit na tagumpay ng ex-dyowa ni Anthony sa pagwasak sa career ng magka-loveteam.
Karamihan sa mga ito ay nagsabing ituloy ni Maris ang pagsasampa ng demanda laban kay Jam dahil sa pagsasapubliko nito ng private conversation at palitan nila ng mensahe ni Anthony.
Kahit daw kasi may nagawang pagkakamali si Maris ay wala pa ring karapatang ilantad ni Jam ang isang pribadong bagay na walang pahintulot.
Baka Bet Mo: Tita ni Anthony Jennings sa pasabog ni Jam Villanueva: Laban lang!
Narito ang ilang comments ng ating mga ka-BANDERA hinggil sa patuloy na pinag-uusapang “cheating scandal” sa pagitan nina Maris, Anthony at Jam.
“Sana lang anjn na yan FILE A CASE MARIS taas noo mo gawin yan. Taas noo nga nya ginswa ss kahit di cla kasal.”
“Bitterjam dami talent ni maris Ikaw mental health matters ka na makakabalik pa si Maris.”
“Marami pa din pong nakikisimpatiya sa kanila lalo na kay Maris, tulad namin dito, we still support #MaThon. magagaling slang artista at malalampasan din nla ‘to.”
“Waiting for #incognito. next yr. na po….TFC japan.”
“I really don’t think yun ang pakay nya. She is deeply hurt sa ginawa sa kanya and I understand her. In my opinion, she just wanted to tell the truth to the public.”
“Hnd rin sya totally ngtagumpay dhl Marami parin sumusuporta sa mathon. At di rin Sila iniwan nung ibang ineendorse nila. At tsaka di nman lhat naniwla sa ex, meron din basher Yung ex gf.”
“KARMA IN THE GUISE OF CYBER LIBEL CASE WILL HIT HER BACK SOON.”
“Hindi naman lahat naging nagsimpatiya sa kanya..bakit sa ginawa nya bumalik ba c Anthony sa kanya..nawalan nga ng mga indorsement c Maris balang sisikat karin Maris….We.support you.”
“Marami na rin mga artista ang nagkachismiss pero andyan pa rin sa showbiz.nagpadala sya sa mga nabasa nya sa social media. wala naman sinabi si Maris na sya ang dahilan ng break up kahit si guy.dahilan na lang nya gusto lang talaga nyang gumanti.pinakita lang nya rin kung ano character meron sya.yan yun taong hinde mo pwede pagkatiwalaan ng sikreto nakakatakot maging kaibigan o kakilala pag dumating araw na ngkagalit napakadali sa kanya na sirain ang 1 tao.”
“Grabe sa kamuhian na words. Nagkasala sila oo. nakasakit sila ng damdamin oo.. pero Yung kamuhian para nmang, Ang Dami nilang pinaslang.”
“Sus lalo lng sumikat love team nila. Ang symphaty ng karamihan na kay Maris. Mali naman yong ipabasa sa buong mundo ang private converstion ng tao.”
“Ang pera maibabalik Peru yung dignidad hnd khit saang mu anggulo tingnan may problema ka girl dika marunong magisip bira ka ng bira ibig sabihin ng ginawa mu hnd mu totoong mahal yung bf mu KC mas pinili mung sirain cya pra nman wla kayung pinagsamahan.sna nagdasal kna lng na makatagpo Karin ng pra sayu.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.