Anthony kinumpirmang hiwalay na kay Jam; may inamin kay Maris

Anthony kinumpirmang hiwalay na kay Jam; may inamin tungkol kay Maris

Ervin Santiago - December 01, 2024 - 09:47 AM

Anthony kinumpirmang hiwalay na kay Jam; may inamin tungkol kay Maris

Jam Villanueva, Anthony Jennings at Maris Racal

KINUMPIRMA mismo ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings na totoong hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Jam Villanueva.

Ilang buwan na raw silang hiwalay ng dati niyang dyowa at inaming siya raw ang may problema at pagkukulang sa kanilang relasyon.

Nakausap ng ilang miyembro ng entertainment media si Anthony pagkatapos ng grand mediacon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang “Incognito” kung saan makakatambal niya uli si Maris Racal.

Pinagbibidahan ito nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Kaila Estrada, at ang nagbabalik-telebisyon na si Daniel Padilla.

Baka Bet Mo: Ex-dyowa ni Karla na si Jam Ignacio engaged na sa non-showbiz GF

Ayon kay Anthony personal issues ang dahilan ng kanilang breakup kaya hangga’t maaari ay ayaw na niyang magdetalye pa tungkol dito, “Months ago na rin kaming hiwalay ni Jam.”

Nakiusap din ang binata na huwag nang intrigahin at guluhin ang private life ng dating karelasyon dahil hindi naman daw ito artista.

Diretsahan din niyang inamin na siya ang may issue sa relasyon nila ni Jam, “Problema ko ‘yon, dapat ko ‘yong ayusin mag-isa.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


Samantala, mariin naman niyang itinanggi na may relasyon sila ng kanyang ka-loveteam na si Maris Racal, magkaibigan lang daw talaga sila ng aktres.

“Magkaibigan lang po kami and sana matigil na rin ‘yung mga gano’ng issues,” sey pa ni Anthony.

Mainit na pinag-usapan ng mga Marites ang naging cryptic post ni Jam tungkol sa kanyang “ex” at sa “workmate” nito. Ang paniwala ng lahat ay sina Anthony at Maris ang pinatatamaan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna rito, umiiyak na inamin ni Maris sa isang presscon na hiwalay na sila ng kanyang ex-dyowa na si Rico Blanco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending