Jennylyn nagduda kay Dennis: Kaya mo ba ako pakakasalan kasi buntis ako?

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo
INAMIN ng Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na may duda siya sa pagpo-propose ni Dennis Trillo sa kanya habang nagdadalang-tao siya.
Feeling kasi ni Jennylyn noon, baka raw niyaya lang siyang magpakasal ni Dennis noon dahil nga buntis na siya sa una nilang anak.
“Noong una, kasi siyempre buntis na ako noon. So, ang unang nasa isip ko, bakit, dahil ba buntis ako kaya ako papakasalan? Tinanong ko ‘yon sa kaniya,” ang pahayag ni Jennylyn sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
“‘Kaya mo ba ako pakakasalan kasi buntis ako?'” ang diretsahang tanong ni Jen sa asawa na naging emosyonal habang nakatingin kay Dennis sa naturang programa.
Sey naman ng Kapuso Drama King, “Pero hindi naman ‘yon ‘yung dahilan kung bakit. Kasi noon pa lang, bago pa kami magpakasal, bago pa mag-pandemic at lahat, parang asawa na rin ‘yung turingan namin sa isa’t isa.”
Baka Bet Mo: Jennylyn ibinunyag na ‘first love’ niya si Dennis, never nagka-‘third party’
Sundot na question ni Tito Boy kung naiintindihan ba ni Dennis ang pinanggagalingan ni Jennylyn sa kanyang mga hugot.
View this post on Instagram
“Naiintindihan ko ‘yung konteksto. Na-gets ko po ‘yun. At feeling ko, alam niya naman po iyon dahil sa mga ipinapakita ko sa kaniya, sa ibinibigay ko sa kaniya na love.
“Pero siyempre, importante sa babae ‘yung assurance at security na maibibigay ng isang tao sa kaniya,” esplika pa ni Dennis.
Nagpakasal sina Jennylyn at Dennis noong 2021 at isinilang naman ang unang anak nila na si Dylan noong May, 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.