Dennis naiwan ang wedding ring nu’ng ikasal kay Jennylyn, nahiya sa pari

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado
NAKAKALOKA pala ang nangyari sa kasal nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na ginanap sa TGIS Studio sa Quezon City noong November 15, 2021.
Naiwan pala nila sa bahay ang kanilang wedding ring sa mismong araw kanilang pag-iisang dibdib at ang sinisi nga ni Jennylyn ay si Dennis.
Kuwento ng Kapuso celebrity couple, nadiskubre na lamang nila na wala ang kanilang singsing nang hinihingi na ito sa kanila ng pari.
“Noong time na ‘yung wedding namin, naiwan niya ‘yung singsing. So, bwisit na bwisit ako. Siyempre, ‘yung hormones ng pregnant woman, talagang galit ako,” ang rebelasyon ni Jennylyn sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday.
Baka Bet Mo: Janine Gutierrez napagkamalang anak ni VP Leni: Hindi po! Anak ni Lotlot!
Natatawa namang hirit ni Dennis, “Pero ‘yung bahay po namin malapit lang, mga five minutes away. Nakalimutan mo pa rin.”
Sumagot uli si Jen sa depensa ng asawa, “Sinabihan ko siya na, sobrang specific ng instruction ko, ‘Kunin mo ‘yung ring, nandito sa bag ko, eto ‘yung color ng box.'”
View this post on Instagram
Actually, dalawa raw ang box na nakita ni Dennis sa bag ni Jennylyn kaya siya nalito, “Dalawa po ‘yung box, ‘yung isa walang laman. ‘Yun ‘yung nakuha ko, ‘yun ‘yung nadampot ko.”
Pagsingit uli ni Jen, “Ang sabi ko sa kanya ‘Paano kung sa Tagaytay tayo kinasal? Paano mo kukunin sa Quezon City?'”
Pagtatanggol ni Dennis sa sarili, “Pero ang totoo Tito Boy, may singsing man o wala, kaya pa rin. Kahit na alambre lang ‘yan na mapulot mo kung saan, simbolo lang ‘yan ng pagmamahal na ibibigay ko sa kanya.”
“Dennis, nakalimutan mo pa rin,” ang hirit na biro naman sa kanya ni Tito Boy.
Habang naglalakad na raw siya sa aisle, talaga raw inis na inis si Jen. Pero sey ni Dennis sa kanyang misis, “At least unforgettable ‘yung experience. Hindi ‘yung pangkaraniwan na perfect.”
Pag-alala pa ng Kapuso Ultimate Star, “Nandoon na kami. Hinihingi na ni Father ‘yung singsing. Asan ‘yung ring? Tapos ibinigay ‘yung box, walang laman.”
Hiyang-hiya at talagang namutla raw si Dennis nang makitang walang lamang singsing ang ibinigay nilang box kay Father. Ang driver daw nila ang umuwi para kunin ang wedding ring.
After nilang ikasal, isinilang naman ang kanilang panganay na anak na si Dylan noong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.