Jennylyn Mercado balik-music scene matapos ang TV comeback

Jennylyn Mercado balik-music scene matapos ang TV comeback

Pauline del Rosario |January 15,2024
facebook
share this

Jennylyn Mercado balik-music scene matapos ang TV comeback

Pauline del Rosario - January 15, 2024 - 04:24 PM

Jennylyn Mercado balik-music scene matapos ang TV comeback

PHOTO: Instagram/@abscbnpr

MATAPOS ang pagbabalik showbiz ng batikang aktres na si Jennylyn Mercado, nagbabalik na rin siya sa music scene!

Sa isang Instagram post ng ABS-CBN, ibinandera ang ilang litrato ni Jennylyn na tila abala sa loob ng recording studio.

May picture din na kasama niya ang music creative director at award-winning producer na si Jonathan Manalo.

Ang exciting news pa mula sa post, hindi lang single ang ilalabas ng aktres kundi isang album!

“Ultimate star @mercadojenny records the first single for her much awaited album under @starmusicph,” caption ng post.

Dagdag pa, “In her 20 years in the industry, this is the first time Jennylyn will work with Star Music.”

Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)

Taong 2004 nang unang maglabas ng mga kanta ang aktres at ilan sa mga naging hit single niya ay ang “Kahit Sandali” at “If I’m Not In Love with You.”

 Mula niyan ay tila kinarir na rin niya ang pagiging singer at nakapag-release ng anim na album. 

Kung matatandaan, si Jennylyn ang kauna-unahang nagwagi ng “Ultimate Female Survivor” sa unang season ng “StartStruck” noong 2003.

Ka-batch niya sa talent search program ang aktor na si Mark Herras na kinilalang “Male Ultimate Survivor.”

Habang ang itinanghal na “First Princess” noon ay si Yasmien Kurdi at ang “First Prince” ay si Rainer Castillo. 

Magugunitang bago matapos ang taong 2023 nang bumalik sa showbiz si Jennylyn matapos ang dalawang taong pagpapahinga. 

Noong October 2021 nang mabalitaang nagdadalang-tao si Jennylyn kasabay ng kanyang taping ng “Love. Die. Repeat.” 

Dahil diyan, itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga na muna siya.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ng aktor na si Dennis Trillo noong May 2022.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Love. Die. Repeat.” ngayong January 15, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Makakasama rin dito sina Mike Tan, Ina Feleo, Victor Anastacio at marami pang iba, mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending