Minsan Fest ang ultimate Summer Festival para sa mga estudyante

PHOTO: Courtesy of minsan studio
MAY kaabang-abang na pasabog ngayong summer!
Ibabandera ng Minsan Studio ang kauna-unahang edisyon ng “Minsan Fest,” isang music festival na saktong-sakto para sa mga estudyante at young fans!
Ito ay magaganap sa May 17 sa Quezon City Memorial Circle.
Ilan lamang sa mga malalaking pangalan sa music industry na makakasama sa lineup ay ang The Itchyworms, Mayonnaise, Ebe Dancel, Zild, Autotelic, Reese Lansangan, Clara Benin, TONEEJAY, SUD, thesunmanager, at Minaw!
Baka Bet Mo: The Rest Is Noise 10 years na, pasabog ang mga gimik sa selebrasyon
Ayon kay Jason Conanan, head ng Minsan Studio, layunin nilang gawing accessible at abot-kaya ang live music experience para sa estudyante na siyang tunay na lifeblood ng OPM scene.
“We have always done our best to make things accessible for the most hardcore fans, and we believe the students are the heart of that,” sey ni Jason sa isang press release.
Dagdag niya, “They are the key to long-term careers for creatives, as they are the ones who actively engage with the artists and the music, share them with their friends, and once they enter the workforce, continue to support their favorites throughout their careers.”
Paliwanag pa ng head ng Minsan Studio, “There is no headliner because we believe every artist in our lineup has their own following.”
Bukod sa epic music experience, isinusulong din ng Minsan Fest ang sustainability sa pamamagitan ng Minsan Pass, isang digital pass na pwedeng gamitin bilang lanyard o bag tag.
Sa halagang P349 para sa mga edad 24 pababa at P699 para sa adults, ang pass na ito ay hindi lang ticket para sa Minsan Fest, kundi susi rin sa iba pang future events ng Minsan Studio tulad ng gigs, workshops, at concerts!
“The minsan pass will act as a gateway to our future events, whether it’s a gig, workshop, concert, or possibly another music festival,” esplika ni Jason.
Aniya pa, “It also provides early access for updates about our upcoming shows and projects.”
Sa suporta ng Quezon City local government, titiyakin ng Minsan Fest na magiging sustainable at eco-friendly ang buong event.
Ang tickets ay mabibili sa website na ito: www.minsan.studio
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.