Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako! | Bandera

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

Pauline del Rosario |April 21,2023
facebook
share this

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

Pauline del Rosario - April 21, 2023 - 12:30 PM

Jennylyn Mercado game na game na sa kanyang showbiz comeback: Naghahanda na ako!

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

READY na sa pagbabalik-telebisyon ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos ang halos dalawang taon na pahinga mula sa showbiz industry.

Kinumpirma ‘yan mismo ng aktres matapos tanungin ng isang fan sa social media.

Noong April 18 ay nag-post si Jennylyn ng isang teaser photo na ipinapakita ang isang bagong female celebrity ng talent management na Aguila Entertainment.

Caption pa nga niya, “Excited to welcome a new sister… [heart emoji].”

Samantala, makikita naman sa comment section ng post ang tanong ng isang netizen na ang sabi ay “Lods Jennylyn Mercado, balik taping ka na po ba sa Love Die Repeat ? Ipupush paba?”

Masayang sagot naman ng aktres sa kanya, “yes [happy face emoji] naghahanda na ako!”

Baka Bet Mo: Dennis, Jennylyn nakabili ng super expensive na bahay sa Las Vegas; buy nang buy ng mga property

Dahil sa naging tugon ng Kapuso star ay libo-libong fans na ang hindi na makapaghintay na muli siyang mapanood sa TV.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming mga komento:

“Can’t wait to see you again in TV screen [happy face with hearts emoji].”

“We’re excited to see you again, Ate Jen.”

“We are excited to watch your movie idol Jennylyn Mercado keep up the amazing work.”

Ang showbiz comeback ni Jennylyn ay unang ibinalita ng aktres noong nakaraang taon matapos siyang tanungin ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas sa isang podcast interview.

“Malapit na. First quarter next year,” sey ni Jennylyn kay Nelson.

Matatandaang noong October 2021 nang mabalitaang nagdadalang-tao si Jennylyn kasabay ng kanyang taping sa GMA teleserye na “Love. Die. Repeat.”

Dahil diyan, itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga muna siya.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ng aktor na si Dennis Trillo noong Mayo ng nakaraang taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Elisse Joson, McCoy de Leon spotted na magkasama sa Tagaytay, totoong nagkabalikan na?

Alodia sa pakikipagbalikan kay Wil: Nakailang comeback na kasi, ‘pag hindi talaga, not meant to be

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending