Elisse Joson, McCoy de Leon spotted na magkasama sa Tagaytay, totoong nagkabalikan na? | Bandera

Elisse Joson, McCoy de Leon spotted na magkasama sa Tagaytay, totoong nagkabalikan na?

Therese Arceo |January 21,2023
facebook
share this

Elisse Joson, McCoy de Leon spotted na magkasama sa Tagaytay, totoong nagkabalikan na?

Therese Arceo - January 21, 2023 - 03:51 PM

Elisse Joson, McCoy de Leon spotted na magkasama sa Tagaytay, totoong nagkabalikan na?

COMEBACK is real na nga ba para sa mga dating “Pinoy Big Brother” housemates na sina McCoy de Leon at Elisse Joson?

Marami na kasi ang naglalabasang mga “resibo” na nakita ang dalawa na magkasama sa Tagaytay.

Unang pumutok ang chikang mukhang nagkaayos na sina Elise at McCoy sa YouTube vlog nina Ogie Diaz kung saan naiulat ni Mama Loi na sinamahan raw ng aktor ang dating dyowa sa taping nito para sa isang proyekto.

Itinanong pa nga ng talent manager kung nandon ang anak nila na si Felize McKenzie at sinabi ni Mama Loi na wala at kahit mismong si McCoy ay hindi kasama sa proyekto at talagang sinamahan lang ang ina ng kanyang anak buong araw at ito pa ang may bitbit ng mga gamit nito.

Ilang araw nga matapos lumabas ang vlog ay makikitang lumalabas na ang dalawa nang magkasama at marami na ngang pictures na uploaded sa social media ang nagpapatotoo na mukhang in good twermd nang muli sina Elisse at McCoy.

Matatandaang naging matunog ang pangalan ng dalawa pagkapasok na pagkapasok pa lang nang 2023 dahil marami sa mga netizens ang nakakapansin na tila naghiwalay na ang dalawa.

Mismong si McCoy pa nga ang nagkumpirma ng paghihiwalay nila noong Miyerkules ng gabi, January 4, matapos ang kanyang cryptic message para kay Felize.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

May mga chika rin na isang social media influencer na nagngangalang Mary Joy Santiago ang maaaring naging dahilan ng reak up nila ngunit nilinaw ni McCoy na walang third party involved sa paghihiwalay nila.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula kina McCoy kung “comeback is real” nga ba talaga ngunit para sa mga netizens ay magandang senyales na sinusubukan ng dalawa na magkaayos at buuin ang kanilang pamilya lalo na’t may isa na silang anak na nangangailangan ng kanilang gabay at pagmamahal.

Related Chika:
McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elisse Joson, McCoy de Leon nagkaayos na matapos magkahiwalay?

Elisse Joson ayaw ng bonggang wedding: Ang dream ko lang talaga sa dagat…at sa church

Mga hugot nina Elisse Joson at McCoy de Leon sa socmed pang-promo lang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending