McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao | Bandera

McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Therese Arceo |January 04,2023
facebook
share this

McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Therese Arceo - January 04, 2023 - 11:27 PM

McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

MULA na mismo sa Hashtag member at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si McCoy de Leon na totoong hiwalay na sila ng kasintahang si Elisse Joson.

Sa isa sa kanyang Instagram story ngayong gabi, January 4, ay diretsahan na niyang inamin na hiwalay na sila.

Nagsalita si McCoy dahil sa kumakalat na screenshot ng diumano’y pakikipag-usap niya sa social media influencer na si Mary Joy Santiago.

May kumakalat kasing screenshot ng conversation kung saan makikitang nag-“i love you” ang aktor base sa profile picture sa screenshot na pinabulaanan naman niya at marahil ay edited lamang.

“Hindi po totoo ‘yung mga convo na kumakalat, hindi po ako ‘yun. Pasensya na po ulit,” saad ni McCoy.

Kasunod nito ang kanyang kumpirmasyon na tuluyan na nga silang naghiwalay ng aktres at dati ring “Pinoy Big Brother” housemate na si Elisse.

“Wala po involve[d] na ibang tao [sa] pinakarason kung bakit kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo,” dagdag pa ni McCoy.

Hirit pa niya, “Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)

Kanina nga lang nang mapansin ng mga netizens na in-edit ng aktor ang kanyang caption sa latest Instagram post niya kung saan kasama niya ang anak na si Felize McKenzie.

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Don’t worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” sey ni McCoy.

Dito ay inamin rin ng aktor na matagal na niyang hindi nakikita at nakakausap ang kanilang anak.

Lahad pa ni McCoy, “Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na….anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra….*hug na mahigpit*”

Samantala, wala pa namang pahayag si Elisse patungkol sa kanilang paghihiwalay ng ama ng kanyang anak.

Kaninang hapon rin nang humingi ng tawad sa lahat si McCoy matapos lumabas ang larawan kung saan kasama niya ang nali-link at itinuturong “third party” diumano ng paghihiwalay nila na si Mary Joy Santiago.

Related Chika:
McCoy de Leon, Elisse Joson hiwalay na daw; socmed influencer Mary Joy Santiago may kinalaman kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

McCoy kay Elisse: Hindi man malaprinsesang buhay ang naibibigay ko, gagawin ko ang lahat para mapasaya ka…dahil mahal kita!

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending