McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson? | Bandera

McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson?

Reggee Bonoan |January 04,2023
facebook
share this

McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson?

Reggee Bonoan - January 04, 2023 - 05:01 PM

McCoy de Leon matagal nang hindi nakikita ang anak, nagloko nga ba kaya biglang nilayasan ni Elisse Joson?

Elisse Joson at McCoy de Leon

HINDI na natiis ng aktor na si McCoy de Leon ang kanyang kalungkutan dahil hindi niya nakakasama at nakikita ang anak na si Felize McKenzie.

Nasa poder kasi ito ngayon ng inang si Elisse Joson matapos silang maghiwalay at matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita kaya miss na miss na niya ang anak.

True ang tsikang nagkanya-kanya na ng landas ang dating magkarelasyon na ipinagtataka namin dahil sobrang mahal na mahal naman nila ang isa’t isa.

Lalo na nga nu’ng nagkahiwalay sila dahil nasa ibang bansa si Elisse at doon nagbuntis at nanganak samantalang nasa Pilipinas si McCoy na hindi naman makapunta doon dahil kasagsagan ng lockdown noon dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaya naman pagdating ng mag-ina ni McCoy sa Pilipinas y ipinadama niya agad kung gaano niya kamahal ang mga ito hanggang sa magsarili ng bahay. Talagang ipinagsisigawan ng aktor sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang anak at ang ina nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elisse Joson (@elissejosonn)


Sinuwerte naman ang aktor dahil kinuha siya ng Viva Artist Agency nang matapos na ang kontrata niya  sa Star Magic at nabibigyan agad ng  mga projects. Isa na riyan ang “Deleter” na entry ngayon sa Metro Manila Film Festival 2022.

May pangalan ng babaeng nabanggit na iniuugnay kay McCoy na dahilan daw kaya sila naghiwalay ni Elisse pero wala namang kumpirmasyon pa kung totoo ito.

Pero ang totoo ay hindi na nagkikita sina McCoy at Felize kaya naman idinaan na lang ng aktor ang pangungulila niya sa anak sa pagpo-post ng larawan nila sa Instagram noong Disyembre 19.

Ang caption niya ay, “Lagi mong tatandaan na mahal kita.

“IKAW lang ang nakaka alam.
“IKAW lang ang makakaintindi sa akin.
“IKAW lang ang maasahan ko.
“IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay.
“IKAW lang ang lahat lahat ko.

“Sana pag tanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sa’yo pagtanda mo.

“Don’t worry masasaya naman ikukwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh. ‘Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya.

“Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*

Samantala, nagduda na noon ang netizens dahil nga walang Christmas at New Year pictures post sina McCoy at Elisse.

Namumukod tanging si Elisse lang ang nag-post ng video nilang mag-ina na dumalo sa isang Christmas party sa Okada, Manila noong Disyembre 20.

May mga bumabatikos naman kay McCoy dahil nga sa pagli-link sa kanila ng babaeng social media influencer daw matapos kumalat ang litrato nila mula sa isang TikTok video. Wala pang opisyal na pahayag ang aktor tungkol dito.

McCoy laging tinatanong kung kailan pakakasalan si Elisse: Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin

Maris Racal ayaw sa ‘second chance’, may tips para maka-move on sa dating dyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Enzo Pineda handa nang pakasalan si Michelle Vito: Anytime pwede, game na game ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending