Coco, McCoy, Angeline ‘spotted’ sa Nazareno 2025

Coco, McCoy, Angeline matibay ang panata, ‘spotted’ sa Nazareno 2025

Pauline del Rosario - January 09, 2025 - 09:22 AM

Coco, McCoy, Angeline matibay ang panata, ‘spotted’ sa Nazareno 2025

Coco Martin, McCoy de Leon, Angeline Quinto

MULING ibinandera ng ilang celebrities ang kanilang matibay na pananampalataya sa Hesus Nazareno.

Ilan lamang sa mga nag-post sa social media ay sina Coco Martin, McCoy De Leon, at Angeline Quinto na halos taon-taon ay nakikita natin na talagang nakiki-join sa Traslacion o prusisyon ng mga deboto ng Nazareno.

Sa Instagram, ibinandera ni Coco ang kanyang picture na makikitang hinawakan ang imahe ng Hesus Nazareno.

Caption niya, “Walang Hanggang Pasasalamat Mahal na Poong Hesus Nazareno [folded hands emoji].”

Baka Bet Mo: Geneva Cruz natupad ang pangarap maging madre sa ‘Nasaan Si Hesus?’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Sa hiwalay na post, makikita na kasama ni Coco sa Quiapo Church si Dimples Romana, McCoy, at ang celebrity couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)

Sa interview ng TV Patrol, sinabi ng aktor na taong 2007 nang mag-umpisa siyang mamanata.

“Nag-start ang lahat ng pagbabago sa buhay ko mula nang mahawakan ko ang Mahal na Nazareno mula ‘nung nagshu-shooting ako ng pelikulang ‘Tirador’ ni Brillante Mendoza,” kwento niya.

Dagdag pa ni Coco, “Sa sampung hiniling ko, pinagdarasal ko, higit pa siguro sa labinlima ang tugon na binigay Niya sa akin.”

Aniya pa, “Lagi kong pinagbubuti ang trabaho ko, dahil sabi ko nga, dininig ng Diyos ‘yung panalangin ko.”

Si McCoy, parehong picture ang ipinost niya sa kanyang IG page at ang simpleng caption niya: “Muli ako’y nagpapasalamat sayo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)

Ganun din ang makikita sa social media post ni Angeline na nakahawak rin sa kamay ng imahe ng Hesus Nazareno.

Ang wika naman niya, “Viva Señor Hesus Nazareno [folded hands emojis]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Coco, McCoy, Angeline matibay ang panata, ‘spotted’ sa Nazareno 2025

PHOTO: Instagram Story/@loveangelinequinto

Kaninang madaling araw, nabalitaan namin na umabot sa halos 230,000 ng mga deboto ang nakilahok sa nabanggit na taunang aktibidad.

Ayon sa Nazareno Operation Center, bandang 4:41 a.m. nang magsimulang umandar ang andas o karwahe ng orihinal na imahe ng Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand papunta sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church. 

Wala pang detalye kung ilang oras matatapos ang prusisyon ngayong taon, pero maaalala last year na nagtagal ito ng 15 hours.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending