Bakit tinanggal ang ‘Itim’ sa pangalan ng Poong Hesus Nazareno?
TINANGGAL na ng Simbahang Katolika ang salitang “Itim” sa pangalan ng Poong Hesus Nazareno o ang tinatawag na Black Nazarene.
Mula sa Itim na Poong Hesus Nazareno ay Poong Hesus Nazareno o Jesus Nazarene na ang itatawag sa imahen ni Hesukristo sa Basilika Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno o Quiapo Church simula ngayong January, 2025.
Ipinaliwanag ng mga opisyal ng simbahan sa naganap na presscon kahapon, January 3, kung bakit nagdesisyon sila na tanggalin na ang “Itim” sa pangalan ng imahen ni Hesus sa Quiapo Church.
Anila, hindi naman daw talaga malinaw kung saan at paano nagsimula ang pagtawag ng “Itim na Nazareno” o Black Nazarene sa naturang imahen.
Baka Bet Mo: McCoy sa Traslacion 2024: Wala akong masabi kundi salamat Poong Nazareno!
Dahil dito, napagkasunduan ng simbahan na ibalik na lamang sa tunay na pangalan ng Panginoon na Poong Hesus na Nazareno.
Wala rin daw nakikitang problema o issue ang mga opisyal at ngangalaga sa Quiapo Church ang pag-alis ng salitang “Itim” sa pangalan ng Poong Nazareno.
Sa darating na Huwebes, January 9 na magaganap ang inaabangang Traslacion sa pagdiriwang ng Feast of Jesus Nazareno.
Kasabay nito, idineklara na rin ng Malacañang ang petsang January 9 bilang special non-working holiday sa Maynila kauganay ng gaganaping tradisyunal na Traslacion.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.