Traslacion 2025 tumagal ng higit 20 hrs, mga deboto nasa 8.12-M

Traslacion 2025 tumagal ng mahigit 20 hours, mga deboto umabot ng 8.12-M

Pauline del Rosario - January 10, 2025 - 09:18 AM

Traslacion 2025 tumagal ng mahigit 20 hours, mga deboto umabot ng 8.12-M

INQUIRER photo/Kurt Dela Pena

NAGTALA ng bagong record ang Traslacion o prusisyon ng orihinal na imahe ng Hesus Nazareno ngayong taon.

Minarkahan kasi nito ang pinakamatagal na prusisyon na umabot ng 20 hours at 45 minutes.

Nagsimula ito sa Quirino Grandstand bandang 4:41 a.m. noong Huwebes, January 9, patungo sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church na natapos ng 1:26 a.m. kanina, January 10.

Kung matatandaan, ang huling trend ng pinakamahabang Traslacion ay noon pang 2020 na tumagal ng 16 hours and 36 minutes.

Baka Bet Mo: Traslacion 2025: Store owner naniniwalang lumago ang negosyo dahil sa Nazareno

Bukod diyan, aabot sa 8,124,050 devotees ang present sa Traslacion 2025.

Ito ay mas mataas kaysa sa bilang ng mga lumahok noong nakaraang taon.

Ayon sa data ng Quiapo Church, nasa 1,290,590 individuals ang nasa Quirino Grandstand; 387,010 ang nag-prusisyon; at ang pinakamarami na umabot ng 6,446,450 ang nasa paligid ng Quiapo Church.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending