Sam 16 taon nang namamanata sa Nazareno: Iba pa rin yung kilabot

Sam Verzosa 16 taon nang namamanata sa Nazareno: Iba pa rin yung kilabot

Ervin Santiago - January 10, 2025 - 10:24 AM

Sam Verzosa 16 taon nang namamanata sa Nazareno: Iba pa rin yung kilabot

Sam Verzosa

GRABE pala talaga ang mga kaganapan at mga nakakapanindig-balahibong eksena sa Traslacion para sa Feast of Jesus Nazareno.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nasaksihan namin nang personal ang prusisyon ng Andas kahapon, January 9, na nagsimula sa Quirino Grandstand at nagtapos sa Quiapo Church sa Maynila.

Balitang umabot sa 8 milyong mga deboto at mga ordinaryong mamamayan ang sumali sa naganap na Traslacion 2025 na tumagal ng mahigit 20 hours.

Kakaiba rin ang naging experience namin sa pagko-cover sa naturang event, lalo na nang harap-harapan naming makita kung paano sumasampa ang mga deboto at namamanata sa Andas para makalapit at mahalikan mula sa salamin ang Mahal na Poong Nazareno.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega muling kinasuhan, mga deboto ng Itim na Nazareno naman ang naghain ng reklamo

Marami kaming nakitang kabataan na nakiisa sa prusisyon at ilan pa nga sa kanila ay nahimatay dahil sa sobrang pagod at init na nararamdaman. Maagap naman sa pagresponde ang mga medical staff na nakapalibot sa iba’t ibang bahagi ng Maynila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SV (@samverzosa)


Isa sa mga personalidad na nakita naming sumampa sa Andas ay ang TV host at si Tutok To Win Partylist Rep. Sam Verzosa na matagal na ring deboto ng Poong Jesus Nazareno.

Ayon kay SV, 16 years na siyang namamanata at sumasampa sa Andas ng Nazareno o tinatawag na “lubid” sa translacion at talagang naging bahagi na ito ng kanyang buhay.

Sa katunayan, miyembro na siya ng Hijos del Nazareno, “Ngayon kasama na ako sa kanila. Iyon po ang nangangalaga, pumoprotekta sa Nazareno, nagsisilbi sa simbahan, naghihikayat sa mga tao na manampalataya.

“At tuwing translacion sila po iyong nasa itaas ng Andas. Debosyon ko ‘yan, ipinangako ko iyan, panata ko na iyan. Isa sa paraan ko iyan para makapagdasal nang taimtim at makakonek sa ating Mahal na Nazareno. Isinasama nila ako para sa pagsampa sa Andas,” ani SV.

Pagpapatuloy ng kongresista at tumatakbo ngayong alkalde sa Maynila, “Huwag nating kakalimutan ang tunay na diwa ng pananampalataya kung bakit tayo narito, bakit tayo naging deboto.

“Yung koneksiyon natin, ‘yung pagdarasal natin kung minsan marami nang sumasama na gusto lang makasama. Curious lang. Alamin natin ‘yung tunay na diwa ng translasyon at tunay na pananampalataya ng isang deboto.

“Ang pananampalataya na walang gawa ay patay na pananampalataya. So kailangan isabuhay natin, hindi lang sa isang araw kundi sa buong buhay natin ‘yung pagiging deboto,” paliwanag pa ni SV.

“Grabe na sa tuwing nalalapit ako sa Mahal na Poong Nazareno, nararamdaman ko ang presensiya at talagang kahit 16 years na akong namamanata, iba pa rin ‘yung nararamdaman kong kilabot lalo ngayon nakita ko siya nang malapitan.

“Kasi kalimitan nakikita ko siya ng malayo kapag nagsisimba ako sa Quiapo. Mahirap din ipaliwanag iyong nararamdaman sa pagsama sa Translasyon. Tanging mga deboto ang nakakaalam. Marami nga ang pumupuna bakit kailangan  gawin? Bakit kailangang sumampa? Kailangang lumubid?

“Pero para sa aming mga deboto mas nararamdaman mo ‘yung presensiya ng Panginoon. Mas ramdam namin kapag nagdarasal kami habang naglulubid. Mas ramdam namin kapag nahahawakan ‘yung krus kasi sobrang hirap niyang gawin.

“So kapag nalampasan mo ang lahat ng hirap na iyon tapos nagawa mo, may some sense of reward niyong nahawakan mo na. Mas mararamdaman mo ang presensiya. Mahirap i-explain sa mga hindi naniniwala pero sa mga naniniwala wala ng explanation,” pahayag pa niya.

Inalala rin ng TV host at public servant ang paghihimala sa kanya ng Poong Nazareno, “Sixteen years ago bago ako namanata, down na down ako, araw ng Nazareno noon, nag-iikot-ikot ako sa Maynila nakikita ko may mga naglalakad. May problema ako, may hinahabol akong bayarin, may kailangan akong habuling big project. Ipinagdasal ko.

“Sinabi ko na tulungan ako at mamamanata ako sa Iyo habambuhay. At alam mo, God works in mysterious ways. Talagang noong araw na iyon for some reasons natupad agad ang idinasal ko. Natupad agad ang mga kailangan ko at na-solve ang mga problema ko.

“Simula noong araw na iyon nabago ang buhay ko. Gumanda, umasenso, full 360 degrees, more than that pa nga, eh. Bukod kasi sa mga ipinagdasal ko, sobra-sobra pa ang ibinigay sa akin ng Panginoon,” ang pagpapatotoo pa ni SV sa kapangyarihan ng Nazareno.

Patuloy pa niya, “Hindi ko kakalimutan ang mga biyayang ibinigay niya at isine-share ko sa mga kababayan natin. Kaya nga ang dasal ko ngayon ay hindi na para sa sarili ko kundi para sa ibang tao, sa bayan natin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngayon para sa lungsod ng Maynila ‘yun ang dasal ko na magkaroon ng improvement sa buhay ng mga kababayan natin,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending