Store owner naniniwalang lumago ang negosyo dahil sa Nazareno

Traslacion 2025: Store owner naniniwalang lumago ang negosyo dahil sa Nazareno

Pauline del Rosario - January 10, 2025 - 07:47 AM

Traslacion 2025: Store owner naniniwalang lumago ang negosyo dahil sa Nazareno

INQUIRER photo/Jason Sigales

MARAMI ang naniniwala na ang Poong Hesus Nazareno ay may himala — nagbibigay ng kagalingan, proteksyon, at katuparan ng mga kahilingan.

Tulad na lamang ng na-interview ng INQUIRER na si Rosalinda Kumar na ayon sa kanya, ang Nazareno ang nagdala ng kasaganaan sa kanilang negosyo.

Kwento ng negosyante, tatlong dekada na ang lumipas nang magbukas sila ng yumaong mister ng isang eyewear store sa paligid ng Basilica Minor at National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church.

Bagamat hindi niya kinikilala ang sarili bilang deboto, regular naman siyang nagsisimba sa nasabing simbahan.

Baka Bet Mo: Bakit tinanggal ang ‘Itim’ sa pangalan ng Poong Hesus Nazareno?

Makalipas ang halos sampung taon ng kanilang tindahan, nagsimula silang mamigay ng pagkain at inumin sa mga deboto tuwing Kapistahan ng Poong Nazareno (January 9).

After 20 years ng pagtulong sa mga deboto, lumago ang kanilang eyewear store na ngayon ay may 70 empleyado at may pangalawang branch ilang bloke lamang ang layo sa Paterno Street, Quiapo.

“Dati maliit lang ‘yung store namin. Mula ‘nung namimigay kami, nabigyan kami ng Diyos ng biyaya,” sey ni Rosalinda.

Ngayong taon, ipinagpatuloy ng store owner ang tradisyon kung saan namigay sila this year ng 10,000 sandwiches at mga juice sa mga deboto.

Sa pagdating ng “Andas” o karwahe ng orihinal na imahe ng Poong Hesus Nazareno sa Quiapo Church, sinabi ni Rosalinda na ‘yun ang oras na nakikilahok siya sa panalangin ng mga deboto.

“Mananalangin kami na tuloy-tuloy dapat ‘yung negosyo namin, na tuloy-tuloy kami mamimigay every year para maganda,” wika niya.

As of 12 noon ng Huwebes, iniulat ng Nazareno Operations Center na halos 200,000 na deboto ang naki-join at dumalo sa Traslacion at piyesta ng Nazareno.

Ang Traslacion ay ang engrandeng prusisyon tuwing January 9 na ginugunita ang paglilipat ng daang-taong imahe ng Poong Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand patungo sa Quiapo Church.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa lamang ito sa mga aktibidad ng isang linggong pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Nazareno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending