Mangangalakal kumita ng P1,000 dahil sa Traslacion 2025

Mangangalakal kumita ng P1,000 dahil sa Traslacion 2025: Biyaya ito sa amin!

Pauline del Rosario - January 11, 2025 - 11:07 AM

Mangangalakal kumita ng P1,000 dahil sa Traslacion 2025: Biyaya ito sa amin!

INQUIRER photo/Kurt Dela Pena

KUNG minsan, ang basura ng iba ay nagiging biyaya ng iilan.

Kagaya na lamang ni Jonathan Flores, isang mangangalakal sa Quiapo, na nagiging maswerte tuwing sasapit ang Pista ng Hesus Nazareno.

Ito ay dahil sa napakarami niyang napupulot na plastic bottles na itinatapon ng mga deboto during Traslacion o prusisyon ng orihinal na imahe ng Poong Hesus Nazareno.

Noong January 9, naabutan ng INQUIRER si Jonathan na abot tenga ang ngiti habang naglalakad bitbit ang dalawang sako ng mga plastik na bote.

Baka Bet Mo: Traslacion 2025: Store owner naniniwalang lumago ang negosyo dahil sa Nazareno

Ayon sa kanya, nalikom niya ito mula sa Quezon Boulevard at Quezon Bridge.

“Parang ito na ang biyaya sa amin ni Jesus Nazareno,” sey niya sa panayam.

Kwento pa ni Jonathan, limang taon na siyang nangangalakal tuwing Traslacion at ngayong taon ay masayang-masaya siya dahil mas marami siyang nahakot.

“Basura sa iba, pero sa amin, ang mga ito ay biyaya,” wika pa niya.

Ipinaliwanag din ni Jonathan na mula sa lahat ng nakolekta niyang basura mula sa bisperas ng Traslacion, maaari siyang kumita ng P1,000 o higit pa sa junk shop.

“Talagang malaking bagay na, kasi sa karaniwang araw, P200 lang ang kinikita ko,” ani niya.

Noong nakaraang taon, ang nakolekta ng Department of Public Service ng Lungsod ng Maynila ay 158 truckloads ng basura mula sa mga lugar kung saan nagtipon ang mga deboto.

Samantala, ang Traslacion this year ay gumawa ng bagong record bilang pinakamatagal na prusisyon na umabot ng 20 hours at 45 minutes.

Nagsimula ito sa Quirino Grandstand bandang 4:41 a.m. noong Huwebes, January 9, patungo sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church na natapos ng 1:26 a.m. ng Biyernes, January 10.

Kung matatandaan, ang huling trend ng pinakamahabang Traslacion ay noon pang 2020 na tumagal ng 16 hours and 36 minutes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod diyan, aabot sa 8,124,050 devotees ang naki-join sa katatapos lang na prusisyon –mas mataas kaysa sa bilang ng mga lumahok last year.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending