Maris Racal ayaw sa ‘second chance’, may tips para maka-move on sa dating dyowa
KAPAG feeling ni Maris Racal ay “worthless” na siya at hindi na nakikita ng kanyang partner ang magaganda niyang katangian, it’s time na to move on na.
Si Maris ang bida sa bagong digital series ng unang collaboration ng ABS-CBN at YouTube, ang “How To Move On in 30 Days” kasama sina Carlo Aquino at Albie Casino.
Kaya naman sa naganap na face-to-face mediacon ng nasabing serye ay puro tungkol sa pakikipagrelasyon at pagmu-move on ang tanong sa girlfriend ng OPM icon at songwriter na si Rico Blanco.
Aminado ang Kapamilya actress na mabilis siyang maka-move mula sa isang break-up, “Ako usually ‘yung turning point ko kapag na-realize ko na parang wala akong progress or feeling ko back to square one ako sa kung ano mang na-build ko sa sarili ko, self-worth.
“Kapag feeling mo worthless ka na kasi ‘yung taong minamahal mo, hindi nakikita ‘yung worth mo, usually ‘yan ‘yung turning point ko na, ah, ayoko na ‘to,” pahayag pa ni Maris.
View this post on Instagram
Dugtong pa ng dalaga, “Kapag ikaw kasi nag-decide na ayaw mo na, kapag ikaw ‘yung namulat sa relationship na ‘yun na ayoko na ‘to, hindi na ‘to para sa akin, ‘yun pa lang eh, alam mo nang dapat ka nang mag-move on.”
Ito naman ang advice niya sa lahat ng nasa proseso ng pagmu-move on, “Start mong mahalin ‘yung sarili mo kasi nasaktan ka eh, so pupunuin mo ‘yung sarili mo ng pagmamahal.
“Gawin mo ‘yung mga bagay na matagal mo nang gustong gawin pero hindi mo nagagawa sa relationship niyo. Like lahat ng mga bagay na magpapasaya sa ‘yo, kahit short term happiness.
“Kapag healing process, ‘yung number one priority mo is yourself. Tulungan mo ang sarili mo. Kalimutan mo na muna ‘yung tao, and then eventually, kapag sobrang healed ka na at wala ka na talagang hinanakit, pwede na kayong maging friends kung ibibigay ng universe at ipagtagpo ulit kayo.
“Pero sa ngayon, kapag nagmu-move on ka pa, huwag na muna. Kasi ang hirap nu’n, eh,” aniya pa.
Sa hiwalay na panayam naman kay Maris, ay sinagot din niya ang tanong kung naniniwala ba siya sa second chance pagdating sa pakikipagrelasyon.
“Ayoko ng second chances. Kasi for you guys to be over, that means may pangit na nangyari. But depende sa breakup, like, kung mutual understanding naman, for career and stuff, and then in the future okay kayo, baka. Depende sa anong nakatakda sa ‘yo.
“Pero kunwari in a relationship kayo tapos may kasalanan ‘yung isa and humihingi ng second chance at mahal mo pa, pwede naman,” aniya pa.
Ang “How to Move On in 30 Days” ay idinirek nina Benedict Mique at Roderick Lindayag. Kasama rin dto sina John Lapus, John Arcilla, Sherry Lara, Phoemela Baranda, Poppert Bernadas, Hanie Jarrar, Elyson De Dios, Rans Rifol at James Bello.
Panoorin ang “How to Move On in 30 Days”, Lunes hanggang Biyernes simula ngayong April 4 sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.
https://bandera.inquirer.net/285330/maris-umaming-masaya-sa-piling-ni-rico-i-think-it-is-very-obvious
https://bandera.inquirer.net/100438/umabot-na-sa-1-2-m-views-ang-teaser-ng-one-more-chance-2
https://bandera.inquirer.net/295683/alwyn-todo-pasalamat-sa-second-chance-na-ibinigay-ni-jennica-thank-you-mahal-for-not-quitting-on-me
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.