Darryl Yap nirespeto ang MTRCB: Wag akong gawing sinungaling

Darryl Yap nirerespeto ang MTRCB: Pero wag akong gawing sinungaling

Ervin Santiago - January 29, 2025 - 05:39 PM

Darryl Yap nirerespeto ang MTRCB: Pero wag akong gawing sinungaling

AGAD na naglabas ng saloobin ang controversial director na si Darryl Yap sa inilabas na official statement ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) tungkol sa “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Ayon sa MTRCB, wala pa silang nire-review na kopya ng bagong pelikula ni Direk Darryl tungkol sa buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.

Narito ang official statement na nilagdaan ni Atty. Paulino E. Cases, Jr., Vice Chairperson and Chairperson of the Hearing Committee and Adjudication Committee ng MTRCB.

“Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG  kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.

Baka Bet Mo: Darryl Yap iwas sa pagsagot sa usaping legal, ‘Pepsi’ movie gogora na sa MTRCB

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

“Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.”

Sa kanya namang Facebook page, nag-post si Direk Darryl ng mensahe tungkol sa naging desisyon ng MTRCB na pinamumunuan ni Chairperson Lala Sotto.

Sabi ni Direk Darryl, “Ang nagpaMTRCB po ng pelikula namin ay ang distributor, tinanong ko naman kung tinanggap ang materials, umoo naman.

“10am pa lang nandun na raw sila—after lunch nagpapaupdate ako, may meeting daw na sinet para sa legal, gabi na ng mabasa ko ang letter para sa mga additional requirements na hindi naman hiningi sa mga pelikula ko noon, 16 films din yun.

“Nandun naman ang pelikula ko—
hindi ko alam kung napanood nila o hindi— o sige kunwari di pa nila napanood, nandun na eh,” pahayag ng blockbuster director.

Pagpapatulloy niya, “Pag pumunta ka sa MTRCB, natural papareview ka, so sabi ko nung nakapasok na sa portal ng distributor at nandun na sila sa MTRCB, nagpapareview kami o nirereview na.
hindi naman nandun iyon for safekeeping.

“Wala akong intensyon na maging adelantado o pangunahan o magsabi ng mali, pagbibigay ko ng update iyon sa mga nakasubaybay.

“Hindi ako aware sa hinihingi nilang additional, magpapareview lang ako ng pelikula, at bahagi naman ng pagrereview ang paghingi ng requirements… hindi ko alam ano itong pahayag na ito.

“Sa ayaw at sa gusto ng sinuman sa industriya, Pilipino ako at manggagawa ng sining, bahagi ako ng industriyang hindi pagmamay-ari ng kahit na sino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako kalaban ng kahit na sino
kahit pa ang tingin sa akin ay kaaway.

“Wala na kaming pondo para sa mga susunod na hakbang kung di kami maipapalabas sa Feb. 5.

“Gnunpaman, nirerespeto ko ang MTRCB, kung hindi pa nila nireview, okay. Pero wag akong gawing sinungaling sa maliit na detalye—Gumawa ako ng pelikula, bahagi yan ng industriya; ng mga karapatan at kalayaang kaakibat nito, Pelikula ko lang ang pinapasuri ko, hindi ang aking pagkatao,” ang mariing pahayag pa ni Darryl Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending