Pepsi movie di totoong nire-review na ng MTRCB, may kulang pa

Pepsi Paloma movie hindi totoong nire-review na ng MTRCB, may kulang pa

Reggee Bonoan - January 29, 2025 - 11:28 AM

Pepsi Paloma movie hindi totoong nire-review na ng MTRCB, may kulang pa

Darryl Yap at Pepsi Paloma

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA ngayong umaga na nag-apply na si Direk Darryl Yap sa MTRCB para rebyuhin ang pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Kahapon ay may nakausap kaming taga-ahensya na nag-apply na nga raw ang kontrobersyal na direktor pero wala pang schedule kung kailan at nabanggit din na hindi kasama si Chairperson Lala Sotto-Antonio sa mga magre-review ng pelikula.

At ngayong araw din ay naglabas ang MTRCB ng official statement na nilagdaan ni Atty. Paulino E. Cases, Jr., ang Vice Chairperson and Chairperson of the Hearing Committee and Adjudication Committee ng MTRCB.

Narito ang nilalaman ng pahayag ng ahensya:

“Taliwas sa maling pahayag, nilinaw ng MTRCB na ang pelikulang Pepsi Paloma ay HINDI TOTOONG  kasalukuyang nirerebyu dahil hindi pa kumpleto ang mga kinakailangang requirements na isinumite ng PinoyFlix.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes na-diagnose ng Congenital Anosmia: Wala akong pang-amoy kaya pwede akong ututan sa mukha

“Binibigyan linaw ng Ahensiya na HINDI TINANGGAP ng MTRCB Registration Unit ang mga materyales na isinumite ng kinatawan ng Pinoyflix sapagkat hiningan ng MTRCB Legal Affairs Division ang nasabing distributor ng Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Kriminal mula sa Regional Trial Court, Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Sibil mula sa Department of Justice, at Sertipiko o Clearance na Walang Nakabinbing Kasong Administratibo mula sa Office of the City Prosecutor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Bilang parte ng standard review process ng Ahensiya, nakipag-ugnayan kahapon ang Legal Affairs Division sa distributor upang ipabatid ang mga kulang na requirements.

“Ginagawa ito ng MTRCB upang masiguro na ang lahat ng pelikula ay naaayon sa Presidential Decree No. 1986 at sa mga patakaran nito. Binubuo ang MTRCB ng 30 Board Members, isang Vice Chairperson, at isang Chairperson.

“Ang bawat aplikasyon ay dumaraan sa isang tatlong-miyembrong komite, at kapag kinakailangan, sa ikalawang pagsusuri na binubuo naman ng limang miyembro.

“Ang MTRCB ay naninindigan na hindi nito ipagsasantabi ang maling impormasyon at anumang paninirang maaaring makasira sa reputasyon at mandato nitong protektahan ang interes ng publiko.

“Ang anumang sadyang pagpapakalat ng maling impormasyon ay aaksyonan alinsunod sa batas.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Direk Darryl Yap tungkol dito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending